22

8.9K 210 72
                                    

Jema


"Anak, kain na" mahinang sabi ni Papa. Nakahilata at nakatalukbong pa rin ako ng kumot


"Wala po ako gana" hindi ako nakakaramdam ng gutom. Hindi ko alam kung ako lang ba o common na 'to sa mga tao na may pinagdadaanan


"Anak, kahapon ka pa hindi kumakain" pero kahit kahapon pa ang huli kong kain, hindi ko pa rin maramdaman ang gutom. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko na naiisip yung ibang bagay


Umupo ako sa kama at inalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Bakas sa mga mata ni Papa na nang-aalala na siya


Bigla niya akong niyakap, naiiyak ako


"Payakap nga sa anak ko" yumakap din ako sa kanya. Mas nararamdaman ko ang pagbigat ng puso ko


"Namimiss na kitang makita na masaya" at tuluyan ko na rin pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilan. Mas humigpit ako ng yakap kay Papa. Sa hindi ko maintindihan na dahilan, mas bumuhos ang luha ko. Nirurub niya ang likod ko pero sa bawat hagod nito, mas lalo ko siyang naaalala




Flash back

"Saan ka?" tanong ni Deanns sa akin habang kausap ko siya sa phone. Katatapos lang ng training namin


"Dito pa sa gym. Why?" matamlay na sabi ko dahil na rin sa pagod at pagkamiss sa kanya


"Sige. Puntahan kita. May dala ako for you. Hihi." napangiti ako sa pagtawa niya. Kinilig din at the same time dahil sa mga ginagawang sorpresa niya para sa akin


"Wait. SO NANDITO KA NA?!" medyo napataas ang boses ko ng maalala kong wala sila dito sa Pilipinas. Ang alam ko kasi, mamaya pa ang dating niya. Galing silang Thailand.


"Yesh. Hihi. Hey, beautiful young lady.... Look at me" pagkasabi niya nun, hinanap kaagad siya ng mga mata ko at nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan at nakangiti. Nangilid ang luha ko ng makita siya dala na rin siguro ng sobrang pagkamiss sa kanya.


"Namiss mo ko?" sabi niya habang naglalakad palapit sa akin. Nakangiti lang siya. Sa saya nawala yung pagod ko


Ngumiti lang ako. Hindi ako makapagsalita sa saya na nararamdaman ko. Magkaharapan na kaming dalawa

"Akala ko may - " bibiruin ko sana siya kung nasaan ang dala niya ng bigla niya akong yakapin. Isang mahigpit na yakap. Napangiti ako at niyakap siya pabalik


"Ito. Ito yung dala ko for you. Isang mahigpit na yakap galing sa mahal mo" at mas humigpit siya ng yakap sa akin.


"I missed you, baby" mahinang sabi niya pero sapat para marinig ko


The Unexpected YouWhere stories live. Discover now