49

4K 116 23
                                    

(AN: Play this song po while reading this – Ikaw - Autotelic. On repeat while writing this. I'll make it up to you, little by little. Hahaha)

Jema

Hinihintay ko si Deanna sa labas ng bahay. Tanaw mula sa kinatatayuan ang laki nito. Masyadong malaki para sa aming dalawa. Mali, masyadong malaki para sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko na kahit pa sa isip ko, nabubuo pa rin yung salitang "kami". Kahit pa sa isip ko alam ko wala na akong karapatang isipin yun.


Kahit tanghali na, malamig pa rin dito. Hindi sinasabi ni Deanna kung saang area 'to. Marahil malayo sa kamaynilaan. Masyadong maganda at tahimik para sa maingay na mundo ng Maynila. Kahit pa malaman ko wala rin naman akong susi para makapasok dito. Mula sa kinatatayuan nakikita ko ang pagngiti ni Deanna habang tinitignan ang phone niya. Nakaramdam ako ng kaunting kirot. Bagama't ako nga ang kasama niya pero tila bang ang atensyon niya'y wala mismo sa akin.


Nakakatawa na ako nga kasama niya pero para bang ang isip niya'y wala rin sa akin.


"Ready ka na?" nakangiting tanong ni Deanna pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"Yeah" mahinang sagot ko.

"Let's go" pag-aaya ni Deanna. Nilagay niya na rin sa likod ang ibang gamit.

"Je, nandito na rin pala mga damit mo ha. Malinis na 'yan." Nakatingin lang ako sa kanya.


Ang swerte ko sana.


"Salamat Deanns." Mahinang sagot ko.


Pero wala e, pinakawalan ko..


Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Nakita ko naman sa side mirror na may kausap si Deanna sa phone. Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko. Sinusukan kong hindi matuloy pero sa bawat tingin ko na nakangiti siya, nasasaktan ako. Kahit man lang doon maamin kong nasasaktan ako.

Sumasakit ang lalamunan ko sa kakapigil. Akala ko kaninang umaga lang yung pagtitiis ko para hindi niya makitang nasasaktan ako.

Nakita kong papunta na si Deanna sa driver's seat kaya hiniga ko agad yung upuan ko para makatalikod ako sa kanya.


"Oh. Inaantok ka Je?" tanong niya.

"Medyo. Masakit kasi ulo ko." Paliwanag ko pero ang totoo ayoko lang makita ang mga ngiti niyang alam kong hindi na para sa akin.

"Pagkauwi magpahinga ka pa ulit. Sa byahe matulog ka na lang." nagthumbs lang ako sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana pero hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan. Lumingon ako.


Tsk. Dapat pala di na ako lumingon.


Nakita kong nakangiti pa rin si Deanna habang nagtatype. Tumalikod na lang ulit ako.

Ang sakit sa mata. Masyadong masakit sa mata, Deanna.


"Je, unan oh" abot sa akin ni Deanna. Kinuha ko naman 'to pero hindi na ako nagsalita pa. Saka niya pinaandar ang sasakyan.


Nice. Sana makaramdam man lang.


The Unexpected YouWhere stories live. Discover now