50

2.6K 87 36
                                    


Jema


Match point.

Match point na kami sa first game namin tho 'di pa ako nakalaro. Hindi muna ako inallow ng management dahil sa hindi ako nakapagtrain sa last week ng practice namin. To be honest, 'di ko pa rin makuha ang rhythm ko kasama si Deanna. Hindi kami nagkasama magtraining dahil sa mga issues ko.

Kasalanan ko.


Hindi pa rin nakapasok si Deanna. While looking at her right, nakikita ko mismo sa mga mata niya na gusto na niyang maglaro.

Sino bang hindi kung passion mo, di ba?


Maraming taon ang nawala sa kanya pero naniniwala ako na mariredeem ang oras na nawala sa kanya. Sa tamang panahon at pagkakataon.


--

Natapos din ang short huddle namin. First win para sa team. Kanya-kanyang ayos na rin para makauwi.


"Je! Manonood kami ng second game, sama ka?" tanong sa akin ni Kyla. Umiling lang ako.

"Hindi na K. May gagawin pa ako sa condo." I lied.

Gusto ko lang talaga umuwi. Oo hindi ako nakalaro pero pakiramdam ko napagod ako. Napagod ako mag-isip sa sarili kong way para mapressure.


"Sama ka na muna. Tulungan na lang kita kung gusto mo" pagpupumilit pa sa akin ni K.

"Hindi na K. Hindi mo rin ako matutulungan. Kaya ko na 'yon." I lied again.

"Kahit saglit lang manood tayo. Sige na please." Pagmamakaawa pa niya. Hinawakan niya ang gamit ko at patuloy pa rin sa pangungulit sa akin.

Kung 'di ko lang 'to kaibigan.


"Oo na sige na. Tapusin ko lang 'to. Susunod na rin ako. Text mo lang ako kung saan kayong side."

"Okay okay. See youuuu!" saka siya umalis.


Wala na rin si Deanna dito sa dugout namin. Siguro umalis na rin agad. Warm and welcoming ang ginawa ng Volleyball Community sa kanya kanina. Nakakataba ng puso na kahit matagal nawala si Deanna sa Volleyball, hindi nawala yung paghanga nila sa kanya. She's passionate sa Volleyball siguro lahat alam 'yon pero iialan lang talaga yung nakakaalam ng lawak at lalim nito. Mas lumalim pa dahil na rin sa pinagdaanan niya.

May iilan na aware na wala na kami pero yung iba wala pa silang idea. Ayaw naman namin na 'yon ang pag-usapan. Ang alam ng iba, kami ni Ren. Nakakaamazed na may mga fans pa rin kaming dalawa ni Deanna. JeDean. Ang iilan sa kanila nawala na rin, yung iba nandito pa rin still hoping kahit hindi na sa relationship na meron kami dati. Matagal na panahong hindi namin sila nakasama and they respect that.

Kailan kaya ulit namin sila makakasama?


"Right side kami. Punta ka na." text ni Kyla.

"Papunta na" reply ko at saka kinuha ang bag ko para manood ng second game.


--

Kahit pa nandito ako sa arena nanonood, lutang pa rin ang isip ko. Nandito nga ang katawan ko pero ang puso at isip ko, lumilipad at sa kasamaang palad hindi ko mahanap.

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now