32

5K 101 11
                                    

(Your love is my home - The light the heat)


Deanna

Nag-enjoy na lang kami ni Jema the following day na nagbonding kami dahil ilang araw na lang aalis na kami para sa kasal nila Ate Bea. Napapangiti ako kapag naaalala ko kung paano kami napuyat dahil sa kuwentuhan naming dalawa.

"Hoy." nagulat ako ng tapikin ni ate bea yung kamay ko

"Bakit?" tanong ko.

"Kasal ko 'to ha. Bat parang lumilipad isip mo?"

"Di naman. May iniisip lang." pero sa totoo lang kinakabahan din ako.

Daig ko pa si Ate Bea sa sobrang kaba at hindi ko alam kung bakit. Kasal ko ba 'to? Bakit ganito pakiramdam ko?

Nanlalamig ang kamay ko. Nandito pa kami sa room ni Ate Bea. They choose to do the ceremony dito sa Australia. Since nandito na rin naman si Cheska, siya na lang nag-asikaso para mas makafocus kami sa ibang bagay.

"Alam mo sa itsura mo parang ikaw yung ikakasal" pabirong hirit ni Ate Bea

"Ako na naman. Bakit? Mukha ba akong tense?"

"Oo. Ano nakain mo ha? Di ba maganda gising mo? May jetlag ganon?" sabi ni ate bea. Tinawanan naman kami ng iba pa naming kaibigan.

Ngumiti lang ako at tila ba ramdam ng puso ko na hinahanap ko na si Jema. Simula kagabi, hindi na kami nagkita dahil kila Ate Maddie siya pumunta. Pero siguro part na rin siguro na sa susunod, kami naman.

Hindi ko alam kung kailan pero gusto ko mangyari.

--


Forest wedding ang pinili nila Ate Bea para raw maiba. I took a picture of it bago ako pumunta sa room ni Ate Bea. And there's a thousand paper cranes din.


"Hoy ano 'yang tinitignan mo?" tanong ni ate bea

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hoy ano 'yang tinitignan mo?" tanong ni ate bea

"Tinitignan ko lang ulit yung venue niyo. Sino nakaisip nun?" tanong ko habang nilapag ang cellphone ko

"Si Maddie. Hahaha. Reader ang soon to be wifey ko e" proud na proud na sabi ni Ate Bea habang inaayusan pa siya

"So, alam niya yung 'Sadako and the thousand paper cranes?'"

"Pft. HAHAHAHAHA. Sadako talaga?" natatawang sabi ni Ponggay.

"Oo. Yun kasi talaga title nun. Di mo alam 'yon noh?" mapang-asar na sabi ko kay Ponggay.

"Siguro dati alam ko pero hindi ko na maalala. Hahaha. Memory gap"

"Baka kasi walang memory?" sabat ni Ate Bea. Nag make face lang si Ponggay at nagtawanan lang kaming lahat. 

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now