30

11.1K 207 45
                                    

Jema

Oo, nasurprised ako sa ginawa ni Deanna pero mas nakapagpasaya ng husto sa araw ko ay yung malamang mananatili siya.

Dalawang linggo pero hanggang ngayon natutuwa ako sa ideyang ako ulit ang pinili niya. Nalalapit na ang kasal nila Bea at Maddie. Mas nagiging busy din kami dahil sa mga iba pang kulang sa event na kailangan tapos na. Mas busy sila Deanna lalo pa na sa ibang bansa ito gaganapin

"Okay ka lang?" tanong ko kay Deanna na busy sa pag-aasikaso ng ibang gagamitin pa

"Yep. I'm sorry B ha. Hindi kita gaano napapansin. Tinitignan ko pa kung ano pa ba kulang para sa wedding nila ate" tumingin siya sa akin at bakas sa mga mata niya ang pagod pero nakuha pa rin niyang ngumiti sa akin

"Go lang. Hahaha. Support kita" ngumiti muli siya at hinawakan ang kamay ko.. Marahan niyang nilapit sa kanya at hinalikan ito

Sobrang warm sa feeling, B

"Sweet mo naman po kahit pagod ka"

"Pagdating sayo, sinusubukan kong hindi mapagod" muli siyang ngumiti. Hindi ko alam kung may double meaning 'yon or baka mali lang ako pero natutuwa pa rin ako na hindi siya sumusuko

"Thank you B" mahinang sabi ko saka niyakap siya. Gusto kong maramdaman niya na thankful ako na nananatili siya. Isang yakap na magiging sagot sa pagod niya

Nagpapatuloy lang siya sa pagchicheck nito. Kahit pa busy siya hindi ako umalis sa tabi niya. Nirurub ko ang likod niya everytime na bumubuntong hininga siya. Alam at ramdam ko ang pagod niya. Kahit pa gaano ko kagusto na tulungan siya, wala rin ako magagawa dahil sa mas kabisado nila ang mga gagamitin sa wedding nila Maddie

"Okay ka pa?" tanong niya sa akin

"Oo naman. Ikaw ba?"

"Yep pero medyo ramdam ko na yung pagod e. Halika samahan mo ko pahinga muna tayo" umayos siya ng pagkakaupo at pati ang mga unan na nasa likod naming dalawa

"Lika. Higa muna tayo" pag-aaya niya

"Seryoso? Dun na lang tayo sa taas" nandito kami ngayon sa bahay namin. Pareho pa rin kaming nakapajama

"Okay na dito. Kasya tayo dito" at humiga na siya sa sofa. Nagbigay siya ng espasyo para makahiga rin ako

"Ang liit kaya nito" pagmamaktol ko

"Kasya yan. Halika muna kasi dito" at hinatak niya ako pahiga sa kanya.

"Kapag sinabi kong kasya tayo, kakasya tayo" saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Magkaharapan kaming dalawa. Nagkasya nga kami sa sofa. Pero mas nakapukaw sa akin ng atensyon ang mainit na yakap niya

"Pagod ka na noh?" tanong ko sa kanya

"Yeah. Lets sleep B" nakapikit siya habang sinabi niya to. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa maamong mukha niya kapag tulog siya

"Sige na. Sleep na" niyakap ko siya pabalik at nirub ang likod niya. Siniksik ko sa dibdib niya ang mukha ko at mas lalo kong naaamoy ang pabango niya na kumapit sa damit niya

Sa tuwing ginagawa ko to sakanya, madali siyang nakakatulog. Mas nakakapahinga at hindi ko pagsasawaan na gawin to sa kanya kahit pa siguro hindi na ako matulog okay lang.

Nararamdaman ko na ang pagbigat ng braso niya sa likod ko.

"Sleepwell B. Please dream of me. I love you" napangiti ako. Naalala ko na sa pagtulog paalala ko sa kanya na mapanaginipan ako. Well, possessive ako na kahit sa panaginip niya, gusto ko ako lang at wala ng iba

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now