23

12.6K 261 233
                                    

Deanna


Sa bigat ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung dapat pa ba akong pumasok. Kung handa na ba akong balikan ang nakaraan para makausad ako ngayon.


Ang pinaka-unang hakbang yung mahirap gawin pero ito yung kailangan ko.


Inakbayan ako ni Ate Bea at ngumiti.


"Magiging okay din ang lahat" mahinang sabi niya at sinamahan akong pumasok ng bahay.


Sa labas nito, may initials na "MDIAW x JMCGW" sinubukan kong intindihin pero hindi ko magawa. Lutang pa ako sa una kong naalala.


Hindi ko rin magawang buksan ang pinto. Nakakatakot at nakakakaba kaya pinagbuksan na lang ako ni Ate Maddie. Maluwang at malinis sa loob. Halos kumpleto ang gamit nito sa loob.





Nandito ngayon sa bahay namin sila Tita. Pinagluto kami ni Jema ng pancit. Pagkatapos kumain lahat kami pumunta sa sala. Magkatabi si Ate Jovs at Tita. Kami naman ni Jema ang magkatabi. Nakasandal siya sa balikat ko habang nakapatong ang legs niya sa legs ko.


"Uy, ayos ka ng upo mo" nahihiyang sabi ko sa kanya. Tinignan lang niya ako ng masama


"Eh. Ayoko nga. " inirapan niya ako at yumakap pa sa akin. Tinitignan ko sila Tita


"Nandiyan Mama mo oh." Nguso ko kila Tita na nanunuod ng MMK


"Alam naman nila e. Hahaha. " nangingiting sabi niya saka ako binigyan ng isang matamis na halik na ikinagulat ko. Pinipigilan ko yung pagngiti o pagtawa dahil baka bigla nila kaming lingunin.


Sa family nila, ramdam ko ang buong pagtanggap nila sa akin na para bang anak na rin ako at parte ng pamilya nila. Umaasa ako na sa side ko, ganun din sila Dad. Alam kong mahirap pero sabi nga naming dalawa, ipaglalaban namin kahit saan pa kami tangayin ng pag-ibig namin sa isa't-isa.



-

"Spicy noodle challenge raw " natatawang sabi ni Jema sa akin.


"Oh game na" sabi ni Kuya Cy. Tinignan ko lang sila.


"Seryoso?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang tumingin sa akin


"Oo naman. Ayan na oh" sabi ni Jema habang inabot sa akin ang kakainin ko. Tinignan ko ito. Pulang – pula. Halatang maanghang nga ito. Kinuha ko rin ito dahil na rin sa may ice cream naman kaming binili.


"Oh. Game ha. 1 – 2 – 3 GO!" sabay – sabay kaming kumain. Paunahan raw maubos. Isang subo pa lang ako pero ramdam ko na ang anghang nito. Nagtatawanan sila pero hindi na ako makatawa dahil sa anghang nito

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now