CLASS 19

5.3K 42 4
                                    


Ellene's POV,

Nasa sala kami ngayon dahil nagse-celebrate ng pagdating ni Kuya ano pa ba?

Pinayagan ako mag inom nila mama at papa dahil na sa legal age na daw naman na ako,

Tatlo na lang kaming magkakaharap dito. Tulog na kase sila mama at papa, 12:15 am na rin kase ng madaling araw.

Eh ang tibay naman nitong magtropa, ayaw magpapigil.

Patikim-tikim lang ako dahil walang mag-aasikaso sa kanila pag nagkataon. 

Tumayo ako sandali ng hawakan ni Kuya Elly ang braso ko.

“s-saan ka?...” medyo pikit na ang mata nito.

Natawa naman ako rito. Kiniss ko lang ang pisngi nito sabay kinurot.

Ang cute ng kuya ko no?

“titimpla ko kayo ng kape...tignan nyo itsura nyo oh” sabay turo ko kay Kuya Ace na parang siraulo na,

Bukas na ang polo nito at sobrang gulo na ng buhok. Ngumi-ngiti na rin mag isa, baliw talaga.

Tumungo na lang si kuya at hinayaan akong umalis,

Kumuha kaagad ako ng baso at nagtimpla ng kape,

Bumalik naman ako do'n sa dalawa, Nakita kong tuloy pa rin sa pagtungga si Kuya Ace sa hawak nitong Alfonso.

Si kuya ko nama'y nakahandusay na sa upuan.

Napa-iling na lang ako rito.

Inilapag ko ang bitbit kong kape sa mesa, hindi ko na mapapainom ito kay Kuya Elly kaya si Kuya Ace na lang ang hinarap ko.

“hoy. Iinom inom hindi naman kaya” sambit ko sabay abot ng baso rito. Kinuha naman nya ito at ngumiti, pumipikit-pikit na rin ang mata nito.

Tsk.

Makulit kase,

Makakauwi pa ba 'to si Kuya Ace? Itsura na nyan? Tawagan ko kaya si Mico? Pero anong oras na kase,

Hayaan na nga, sa kwarto na lang sya ni kuya matulog.

“Intayin mo ko dyan kuya Ace, iaakyat ko lang si Kuya sa taas” baling ko sa lasing na si Kuya Ace.

Binitbit ko na si kuya paitaas at grabe! Kulang na lang ay bumaon ako sa hagdan dahil sa sobrang bigat!

Ang laki laki kaseng tao tapos ako yung bumuhat,

Ayoko na naman gisingin sila papa, nakakahiya.

Pagewang gewang pa si Kuya habang ihinahakbang ang paa,

Nako naman.

Napaka bigat!!

Pinulupot ko pang lalo ang braso nito sakin dahil baka pareho kaming malaglag ng hagdan,

Nang malapit na kami ay kaagad ko itong kinaladkad papasok sa kwarto nya sa dulong bahagi ng bahay. 

Binuksan ko ang pinto nito at pilit itong  ipinasok sa loob.

Hingal na hingal ko itong binitbit pahiga sa kama nya,

Halos tangayin pa ako sa paghiga nito. Saktong bagsak kase nito ay syang bagsak ko rin sa ibabaw nito.

Hays!!

“kuya bitiw!” sigaw ko pa dahil niyakap ako nito pahiga.

“s-sleep...mm” lasing nitong sambit habang nakayakap sakin.

My classmate Is a sex addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon