CLASS 3

12.3K 57 3
                                    


Ellene's POV,

Para akong Zombie'ng naka-salampak ngayon sa silya ko.

Hindi kase maalis sa isip ko yung kagabi!

Bwisit na lalaking 'yon!

Kababuyan!

Natigilan naman ako sandali, bakit ba hindi ko na-isip 'yon?

Oo tama, baka naman may pinagdadaan sya kaya nya ginawa 'yon.

Seryoso ka dyan?

Manahimik ka utak ano ba?!

Pero kase diba, lalaki sya, baka naman ano...alam nyo 'yon? Natural lang naman sa kanila yung mga gano'ng bagay. Hindi naman siguro big deal 'yon.

Virgin pa kase ako eh,

Masyadong banal yung katawan ko at hindi pa nadadapuan ng masamang espiritu.

Hindi rin ako nagsasarili 'no!

Hinihintay ko lang ang tamang panahon.

Pero kase kadiri talaga yung bastos na lalaking 'yon.

Kahit sabihin nating natural sa kanilang tigasan, eh bakit kailangan dito sya sa school nagyakult-yakult? Diba?

Hindi ba sya nag-iisip?

Paano kung teacher ang makahuli sa kanya? Oh diba?!

Bobo sya! Kung bobo ako, mas bobo sya!

Arrghhhh!

Napasabunot na lang ulit ako sa sarili ko.

“kumain ka na ba? Malapit na matapos yung break Ell” yugyog sakin ni Mico.

Epal talaga ito.

Inangat ko bahagya yung mukha ko para makita ito. 

Tumambad naman sakin yung clear skin ni Mico, ang gwapo rin nitong lalaking 'to eh.

“wala akong gana” tamad kong sambit habang sumisenyas ng 'alis'

“h-ha? Gusto mo ba ibili kita sa cafeteria?” presinta nito. May pag-aalala sa tono nito.

Umayos ako ng upo at hinarap 'to. Lumayo naman ito ng kaunti para makaayos ako.

“wag na, ano oras na rin” sabay hikab ko. Tumango na lang ito at ginulo yung buhok ko. 

Nang mag-unat ako ay nahagip ng mata ko si Blue.

Seryoso itong nakatitig sakin.

Problema nito?

Tinaasan ko ito ng kilay at mukhang napansin nyang nakatingin na rin ako sa kanya.

Ngumiti ito ng todo sakin. Tsk. Mapagpanggap na nilalang.

Inirapan ko na lang ito sabay subsob ulit sa desk ko.

Aantayin ko na lang mag-uwian.

---

*last subject*

Hindi na ako pumasok ng last subject dahil gusto ko maka-usap si Sir Rodriguez.

Oo magrereklamo ako.

Hindi ko naman talaga kaya 'yon eh.

Naglakad na ako papuntang faculty at malakas itong kinatok.

Wala lang, gusto ko lang katukin ng malakas bakit ba?

Ang tagal ko pang nakatayo dahil wala manlang nagmagandang loob ang nagbubukas ng pinto.

My classmate Is a sex addictUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum