CLASS 2

14.8K 67 5
                                    


Ellene's POV,

Mabilis akong tumakbo at lumiko liko dahil sa mga sasakyan.

Mas binilisan ko pa lalo nang mapansing 1:20 na at ang pasok namin ay 12:30,

Oo! Anak ng sampung alien! Late na naman ako!

Nagmadali ako dahil alam kong sarado na ang gate.

Sorry naman, nalate kase ako nang gising. Sinermunan kase ako ni Papa kagabi dahil nakita nya 'yung guidance slip sa binder ko.

Nalaglag kase sa bag ko kagabi nung nagmadali akong umakyat sa taas, eh bukas yung bag ko, bobo lang.

Ayon! Wala nga akong balak sabihin kay mama yon eh kaso nakita ni papa, ayon, dinaig ko pa paputok, goodbye Philippines.

“Ell! Late ka na naman!” sigaw ni Ate Marites, yung tapat na karinderya ng school.

Alam ko ate Marites, obvious naman.

Tumango lang ako dito at nagpatuloy sa pagtakbo.

Tsk! Wala na akong ibang choice!

Kailangan ko mag ninja moves ngayon!

Oo ninja moves, tama kayo.

Umikot ako sa likod ng school at lumingon lingon sa paligid.

Clear!

Pagkatapos ko i-scan ang paligid at macheck na wala ngang nilalang ang hahadlang sakin ay tiningla ko na yung pagkataas na pader.

Bumwelo pa ako bago ihagis ang bag ko sa kabilang side ng pader.

Bakit kase nilo-lock pa yung main gate eh!

Nang maihagis ko na ang bag ko at narinig ang pagbagsak nito sa lupa ay agad na akong sumampa sa pader at basic itong inakyat.

Sa ilang taon ko ba naman sa school na 'to eh,

Lumapag na ang paa ko ng walang kahirap hirap.

“basic” ngisi ko pa bago pagpagin ang uniform ko.

Hinanap na ng mata ko kung saang lugar na napadpad yung bag ko.

Napalunok agad ako ng mapansing nasa paanan ng kung sino yung back pack ko. Hawk pa naman yun.

Pinagpawisan ako nang gumalaw yung tao at dinampot yung bag ko.

Ayoko iangat paningin ko!

Malay ko ba kung sino 'yan?

Mas kinabahan ako nung lumapit na talaga ito sakin, napa-pikit pa ako sa sobrang takot.

Hoooo!

“Basic ha? Sinasabi ko na nga ba” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

Nang magmulat ako ay tama ang hinala ko.

“S-sir Rodriguez, good afternoon he-he” mautal-utal kong bati dito.

Naniningkit ang mata nito habang pinapatunog ang stick sa kamay nya.

Masakit yan sir ah!

“Alam mo naman ang napag-usapan natin kahapon diba?” malalim ang boses nito kaya natakot ako. First time ni sir yung ganito.

I mean hindi masakit sa tenga yung boses nya, hindi matinis.

“o-opo...” takot kong sagot rito habang magkadikit ang palad ko.

My classmate Is a sex addictWhere stories live. Discover now