CLASS 18

5.4K 36 2
                                    


Ellene's POV,

Lumipas ang tatlong araw na walang nangyayari,

Nagkaroon kase kami ng finals nung Wednesday at Thursday,

Sa kabutihan naman ni Jesus Christ, lahat ng subjects ko ay pasado, salamat na din do'n sa kupal,

Halos karamihan kase sa tinuro nya ay lumabas sa exam,

Kaso hindi ako minsan makapag-concentrate, yung mga tanong kase nag papaalala nung ginawa namin ni Blue sa kwarto ko, ugh.

Si Keith naman ay gano'n pa rin ka-sweet, pero hindi ko maiwasan mag isip kapag magkasama kaming dalawa,

minsan kase'y bigla itong nawawala sa mood kapag nakakatanggap ito ng tawag mula sa kung sino.

Hindi ko naman magawang itanong kung ano 'yon,

Pakiramdam ko kase wala akong karapatan, kaya minsan wala ako sa mood na pumapasok.

Hindi rin naman nagugutom si Evans nitong mga nakaraan kaya hindi kami masyado nagkaka-usap,

Friday nga ngayon eh, nakakatamad pumasok dahil PE lang naman namin ngayon,

Walang gana akong bumaba ng hagdan ng tumunog yung cp ko.

Kaagad ko itong binuksan at binasa,

Excited pa akong basahin dahil alam kong kay Keith ito galing,

Nang buksan ko ito'y kaagad akong nanlumo.

From: Baby Keith

   
         Baby, hindi ako makakapasok ngayon kase may aasikasuhin ako. I'm sorry, promise babawi ako. Next week date tayo. I love you!

Mabilis ko naman itong nireplyan at bumuntong hininga,

“oh bakit naman grabe ang simangot mo?” tanong ni papa sakin,

Bago sagutin ay tinungtong ko muna yung binti ko sa baitang ng hagdan at inilupi ang PE pants ko medyo malapit sa tuhod.

“ewan ko rin pa” sagot ko na ikinatawa nito,

Eto si papa parang Bobo,

Seryoso ako dito eh..

“Broken ka ata anak eh” sambit ni papa habang pinipindot pa yung remote ng tv.

Ako? Broken?

...

Ilang segundo pa bago ako sumagot,

“w-wala akong jowa pa” utal kong dahilan na lang dito.

Ngumiwi pa ito na parang hindi naniniwala,

“wala bang 'kayo' nung mukhang kano?” napakunot naman yung noo ko sa sinabi ni papa.

Si Kupal ata tinutukoy nya?

Umubo muna ako bago ito sagutin,

“Nako, Pa. Hindi mo kilala 'yon”

Impakto 'yon.

Mukhang naguluhan pa si papa sa sinabi ko pero hinayaan ko na lang ito,

Parang si Mama. Pinagpipilitang mabait si Blue, malamang! Pakitang tao yung kupal na 'yon. Tsk,

Demonyo.

Pumasok naman na ako sa school at naabutang nage-stretching na yung mga kaklase ko. Napatingin pa sakin si Sir---Sir Ace?

My classmate Is a sex addictWhere stories live. Discover now