CLASS 1

20.5K 79 6
                                    

Ellene's POV,

Dahil ngayon ay monday, natural may pasok.

At dahil may pasok, kailangan maghanda at gumising ng maaga.

Sobrang boring akong naglalakad papasok ng school.

Walking distance lang kase dahil malapit lang ang bahay namin dito. As in sobrang lapit na nagiging dahilan ng sandamak-mak kong late.

Hindi nyo ko masisisi dahil gano'n naman talaga ang sistema ng Earth ano.

The more na mas malapit ka, the more na mas late ka.

Napatawa ako sa naisip ko.

Malapit na ako sa gate nang harangin ako ni Mr. Rodriguez, may hawak pa itong mahabang stick at akmang hahampasin ako.

Sobrang alert ko napapikit na kaagad ako. Ilang segundo pa ang lumipas at nag umpisa ko nang imulat ang isa kong mata.

Wrong move ata

Nakita ko kaseng nanlilisik ang mga mata ni Mr. Rodriguez habang nakatitig sakin.

Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng backpack ko.

Ready ka na ba Ell? In 5....4....3....2

"Ms. Ellene Floresoooooooooo!" malakas na sigaw ni Sir kaya napapikit ako.

Eto na nga ang simula,

"Late ka na naman! Hindi ka ba nagsasawa sa boses ko? Araw-araw na lang! Huling taon na lang ang gugugulin mo sa paaralang ito ay hindi mo pa magawang pumasok ng maaga! Tapos na ang flag ceremony kanina pa! Blah blah blah blah blah"

Naririndi na rin naman ako kay Sir pero ano pa bang magagawa ko?

Nasanay akong laging late.

Lumipas ang 30 minutes siguro nitong panenermon ay huminto na ito.

Paano ba namang hindi tatagal eh pati sila mama dinamay na nya.

Napapunas ako ng mukha dahil feeling ko pinaliguan ako ni Sir ng laway nya.

"Sa susunod na malate ka pa ulit, at ako ang nakahuli sayo, ikaw na ang itotoka ko sa paglilinis ng buong cr ng school, buong school year! Pang babae, pang lalaki wala akong pake!" sigaw nitong muli na ikinalunok ko.

Tama ba ang narinig ko?

ako? Maglilinis ng cr? At....at buong school year?!

Eeewwww! Yuck!

"Ano! Sumagot ka Ms. Floreso!" naka-pamewang na sigaw ni Sir.

Bakit sumisigaw?! Sabog na eardrums ko sa totoo lang!

Minsan talaga nagdududa na ako dito kay Sir eh, daig pa babae kung makasermon. Bakla siguro 'to.

Nahinto ako sa pag-iisip nang hampasin ako nito ng stick. Medyo masakit ahh!

"a-aray naman Sir" sambit ko rito.

"Sinabi ko kaseng sumagot ka!" sigaw ulit nito. Akmang hahampasin ulit ako nito nang umatras ako.

"a-abat!" suway ni Sir.

"o-opo Sir! Naiintindihan ko po!" sagot ko habang pasimple nang ihinahakbang ang paa ko paalis dahil kanina ko pa nadinig ang pag-ring ng bell.

My classmate Is a sex addictWhere stories live. Discover now