"What's wrong, Denisse?" Ang nag-aalala kong tanong dito.

"Ikaw ba talaga 'yan, Jonas? Hindi naman to panaginip 'di ba?" Ang umiiyak niyang tanong sa akin habang sumisinghot.

"No, this is not a dream, Denisse. I'm not a dream." I reached for his face and caressed it lightly. Ilang buwan rin akong nangulila sa mukhang to.

"But you are my dream, Jonas." Ang nakangiti nitong sabi nang ihilig niya ang kanyang mukha sa mga kamay ko. I chuckled at his sweet antic. "Kiss mo nga ako para naman maniwala ako." Ang dagdag niya na mas lalo pang nagpatawa sa akin.

Damn, this guy. How can he be so fucking lovely?

I was about to lean in again for a kiss when I got stopped from another cry. I leaned in and gave him a quick kiss bago tumayo. I carefully picked my baby up at inilapit ito kay Denisse.

"Jonas, pwedeng pakikuha n'ong parang donut na unan? Para mapagsabay ko sila,"  ang utos niya na mabilis ko namang tinugon. I still have my baby on my arms. Mas lalo pang lumakas ang iyak nito.

I helped him wear it around his belly at tinulungan rin itong ipwesto ang mga bata. Breastfeeding and taking care of  three babies is handful. And I couldn't be more proud of my man for being such strong momma to my kids. Nakita ko pa siyang bahagyang napangiwi habang dumedede ang mga bata.

"You okay?"

Tipid siyang ngumite sa akin bago marahang tumango at sumagot, "Masakit pero kakayanin."

"Nga pala, this is Devan James siya ang ikatlong lumabas, ito naman si Devon Jiselle siya ang panganay sa kanilang tatlo. Yong nasa crib ay si Devin Jamiah. Two girls at isang boy. Ang kambal ang nagpangalan sa kanila," Ang nakangiti niyang dagdag.

"They're beautiful and small," ang wala sa sarili kong kumento habang nakatitig sa dalawa. "I'm sorry if I couldn't be with you during your pregnancy. It must be tough."

"It was hard pero wala akong oras para alalahanin pa yon. Kinailangan kong maging matatag para sa mga anak natin, Jonas. Saka tinulungan naman ako nila kuya Chadwick, papa, doc at Taegan," aniya.

Agad na napakunot ang noo ko nang magbanggit siya ng hindi pamilyar na pangalan. I'm pretty sure Taegan can't be a woman's name. "Who the fuck is Taegan?"

"Kababata ko, anak ni doc Tina. He's a nurse kaya tumutulong siya sa mama niya para magcheck-up sa amin ng kapatid ko." Ang sagot niya. Gusto ko pa sanang umalma pero inunahan na niya ako, "Jonas, kung makikipaglandian ako sa ibang lalaki tatanggalin ko tong singsing mo. Kakarating mo pa nga lang makikipag-away ka na. Kunin mo nga muna to si Devan."

"Hon, no. Hindi ko sinasabing nakikipaglandian ka. I know you love me very much." Ang kumpyansado kong sagot na ikinaani ko ng isang malutong na hampas sa braso.

"Ang kapal mo naman yata, Jonas. Kunin mo nga muna si Devan at padighayin mo muna." Ang pagsusuplado niya ngunit hindi naman nakalagpas sa aking paningin ang namumula niyang tenga. Lihim akong napangisi habang maingat na kinukuha ang anak namin.

I held him firmly against my shoulder and supported his bottom with my right hand. I rubbed his back with my free hand at hinintay itong dumighay. I learned how to do this back when the twins were just as small as the triplets. May mga panahon kasing nahihirapan si Denisse na bumangon.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon