PART 10

134 5 0
                                    

Kalahating oras mula nang pinasok si Tim sa operating room. Halos walang nagsasalita sa amin, nakaakap si tita kay tito,kami naman ni Pat magkatabi sa upuan at nakapikit ako nagdadasal na maging ok ang operasyon ni Tim. Nang biglang naglabasan ang ilang nurse na parang natataranta. Nagulat kaming lahat.
"Anung nangyayari?" tanung ni tita na wala manlang pumansin sa kanyang nurse. Nagpunta kami sa may pinturan bagamat nakasara at walang makita pero naririnig ang ilang ingay at usapan sa loob. Hindi namin maintindihan ang nangyayari. Pero parang nagkakagulo sila na natataranta. Bigla nalang umiyak si tita."anak ko,Tim." Halos sumabog naman ang dibdib ko sa kaba dahil baka kung anu nan nangyayari kay Tim. Nakita ulit namin ang mga nurse na tumatakbo na may dalang machine na nakasakay sa de gulong. Hindi ko na maintindihan nararamdaman ko para akong lalagnatin,di na ako mapakali lakad lakad ako habang patuloy sa pagbagsak ng luha ko.

"Best maupo ka nga muna." pag comfort sakin ni Pat na nahalata nya siguro na sobra akong kinakabahan.

Halos dalawanput limang minuto na ang lumipas lumabas na ang doktor. Halata sa mukha nya ang lungkot at kausap si tita.

Hindi ko na ninais na marinig ang sasabihin nya mabilis akong tumakbo,tumakbo nang tumakbo na habang umiiyak. Hindi ko na naisip kung may nakakita o san ako pupunta pero gusto ko lang tumakbo. Habang tumakbo ay naalala ko lahat ang masayang ala ala namin ni Tim.

Makalipas ang dalawang buwan.

Kaygandang pagmasdan ang paglubog ng araw habang andito sa mataas na burol. Na kung saan tanaw mo ang lawak ng dagat. Tinatangay naman ang mga patak ng luha ko ng malakas na hangin. Ito na ang tamang oras para pakawalan ang isa sa pinakamahalang tao sa buhay ko habang hinihimas ko ang isang garapon na hawak ko.

Binuksan ko ang garapon at dinakot ang abong nasa loob nito. Habang hinahangis ko ito sa hangin. Bumalik lahat ng ala-ala ko na kasama sya.
Binuhos ko na lahat ng abo sa garapon at kumalat ito sa hangin. Ngayon malaya kana mama. Sabay halik sa akin ni Tim na di ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya. "Tara na mahal kain na tayo." aya nya sakin habang pinupunsan ang luha ko.
"Sige mahal, salamat nga pala sinamahan mo ako dito para isaboy sa hangin ang abo ni mama,bilin nya kasi yun sakin.

" anak,jm..kapag ako ay lumisan na sa mundong ito ay gusto kong sabi cremate nyo ako at isaboy mo ang aking abo kapag may nahanap ka nang taong mamahalin ka habang buhay. Yung di man nya mapantayan ang pagmamahal ko pero yung taong magpapahalaga sayo at mamahalin ka ng tunay. Mahal na mahal kita anak. Maaga man akong kinuha sa inyo ng Dyos, alam ko balang araw makikita mo na ang taong sinasabi ko. Siguro kapag na basa mo itong sulat ko ay wala na ako. Bilang sagot mo sa sulat ko na ito ay hihintayin ko na pakawalan mo ang abo ko kapag handa kana at nahanap mo na sya...."

Bago pa ako tumalikod ay sinabi ko,"ma,nahanap ko na po sya."
Sabay akbay kay Tim. Sa baba nang burol ay naghihintay ang isang tent at isang kumot na nakalatag sa damuhan na punong puno ng pagkain. Hinawakan ko kamay ni Tim.
"Tim, sa kabila nang lahat heto pa din tayo. Minahal kita noon,minamahal kita ngayon at mamahalin kita habang buhay. Hindi ko inakala na nahanap na kita ang taong sinasabi ni mama na mamahlin ko at mamahalin ako ng tunay. I love you Tim." sabay mabilisang halik sa labi nya.

"Jm,araw-araw kitang mamahalin. Nagpapasalamat ako sa Dyos na ikaw ang binigay nya sakin,na dumating ka sa boarding house,nagluluto ng pagkain ko at naglalaba ng mga damit ko...." nang marinig ko yun medyo umirap ako sa kanya na medyo nakangiti.
"...dahil ikaw na pala ang makakasama ko habang buhay.
Mahal na mahal kita jm."

At naghalikan kami nang sobrang tamis. Kasabay ang malakas na hangin at sa harap ng lumulubog na araw.
Matapos ang matamis na halikan ay mahigpit na yakapan at sinabing.
"PRE, I LOVE YOU."

WAKAS.

Pre, I love youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora