PART 4

138 4 0
                                    

Nauna akong nagising sa kanya. Naghilamos at nagtungo na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Habang binabate ko ang itlog,ang saya saya ko hindi ko alam kung bakit pero masaya ako dahil magkaibigan na kami ni Tim,pero may lungkot at takot dahil kapag nalama nya ang totoo na bakla ako ay layuan nya ako. Kaya dapat hindi ako magkagusto sa kanya.

Habang paluto na ang tortang talong na niluluto ko ay nagisinv na sya."ang bango ah,sarap naman nang amoy."nasabi nya habang papunta sa cr. Malaki naman ang ngiti nya paglabas parang nakita nya ang asawa nya na naghain para sa kanya. "Tara na kain na tayo?" sambit ko habang naghahain ng pagkain.
"Kape gusto mo?" pag-alok ko sa kanya na akmang magtitimpla na,tumango lang sya. Napag usapan din kasi namin na hati na kami sa pagkain at gagamitin sa bahay.

Sarap na sarap syang kumain ng tortang talong at skinless na longganisa. "Pwde ba mamaya mag kare-kare ka." request nya sabay higop sa kape. Alam nya kasi na cook ako a isang restaurant. Gusto naman daw nya matikman ang luto ko,kasi puro prito lang natitikman nya.
Nang matapos na kami sa pagkain sya na ang naghugas ng pinagkainan,kinuha ko naman na ang mga labahin ko. Nang naa banyo na ako at magsisimula nang maglaba sumilip sya sa may pinto ng cr "ehem baka naman" sabay malakas natawa nagets ko naman ang sinabi nya na gusto nya ipasabay ang labada nya. "Basta ba babayaran mo ako" sabay tawa ko. Nangmatapos ko nang labhan damit ko sinunod ko na ang sakanya di naman masyadong marami.

Naging mabilis ang pagiging close namin. Tumulong naman si Tim sa paglilinis ng bahay. Nagmatapos na kami paglilinis ay tumambay kami sa terrace at nagkwentohan tungkol sa trabaho namin.

Nakita ko na ang oras at kailangan ko nang magluto. Iniwanan ko na sya sa terrace at nagluto ako. Pagtalikod sa kanya ay nag ring ang cellphone nya.
"Hi babe." narinig ko at  bigalng may parang kumurot sa puso ko. Kinuha ko nalang ang mga engredients sa maliit naming ref. Habang palihim akong nakikinig sa paguusap nila ng girlfreind nya. Narinig ko na parang inaaya syang maglibot sa mall. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa niluluto.
"Aalis ako sa labas na ako kakain!" sigaw nya habang patakbong tinungo ang banyo para maligo. Nainis naman ako dahil request nga nya itong kare-kare tapos aalis sya. Sabagay aino ba naman ako,syempre uunahin nya ang girlfreind nya.
Ilang saglit pa ay natapos na syang maligo. Di ko sya pinansin. Siguro ay nakita nya na nakabusangot at di ako kumikibo,"tiran mo nalang ako,kakainin ko pagdating ko." Tumango lang ako.

Narinig ko nalang na sumarado na ang pinto. Nakaalis na sya. Natapos ko naman nang maluto ang ulam kaya kumain nalang ako mag-isa. Napaisip ako na siguro nga straight sya at mahal na mahal nya girlfreind nya. Bawat subo ko nag pagkain ay parang ampalaya ang ulam ko sa pait,hindi ko alam nangyayari sakin. Di na ako nakakain ng maayos. Humiga ako sa kama habang nag ce-cellphone. Nagpatugtog nalang ako sa cellphone ko.

Pilit natin iniwasan ganitong mga tanungan.

At di sigurado tinuloy natin ang ating ugnayan.

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan nagsimula nang magsisihan.

Lahat ay parang lumabo,di alam kung san tutungo.

Sabi ko na nga ba dapat nung una pa lamang di na umasa,di naniwala.

Hindi tayo pwede pinagtagpo pero di tinadhana.

Di na posible ang mga puso wag natin pahirapan.
Suko na sa laban.
Di tayo pwde.

Oooooohhhh...

Hay,napaluha naman ako sa kanta. Siguro tama si Pat kailangan di na ako papadala sa mga nakakaakit na bagay,sa mga gwapo at mga sweet kasi baka magaya lang ulit ang nangyari samin ni Gab na may dumating lang na pagsubok ay bumitaw na. Pero sinabi ko sa kanya na strong na ako. Pero mukhang ss nararamdaman ko ngayon ay nahuhulog na ang loob ko kay Tim. Pipilitin ko na itago ito kasi imposible na magkagusto din sya sakin.
Habang tumutogtog ang music sa headset sa may tenga ko ay nakatulog na pala ako.

Alas otso na nang magising ako. Bumangon ako naligo at kumain. Habang nagpapababa ako ng kinain ay nagpahangin muna ako sa terrace. Hindi nagtagal ay may humintong taxi at bumaba si Tim. Dahil sa nagtatampo ako sa kanya na parang jowa ay dali dali akong nagpunta sa kama at nagpanggap na tulog na.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto,paglapag nya ng cellphone sa drawer at tumungo sa cr para maligo. Naamoy ko na amoy alak sya. Pero hindi naman sya lasing. Hindi nagtagal ay lumabas sya ng cr. Pagkatapos nyang magbihis ay humiga na din sya sa tabi ko hindi pa din ako kumikilos sa pagkakatagilid ko na medyo padapa na. Hindi manlang sya kumai nang niluto ko.

Nangmardaman ko na tulog na sya ay tumihaya ako at binuklat ang cellphone ko.
"Huli ka!" laking gulat ko na kinaliti ako ni Tim. Gising pa pala sya. "Sabi ko na nga gising ka pa eh hahahha." malaka na sabi nya na tumawa nang nakakaloko. Halos di na ako makapagsalita sa kakakiliti nya gumanti din ako at nakipag laro sa kanya. Hanggang sa napadapa ako sa kanya at nagtapat ang mukha namin. Halos isang pulgada nalang ang layo ng mga mukha namin. Ramdam ko ang bawat hingal nya,amoy ko ang hininga nya na amoy toothpaste,ramdam ko din ang malakas na kabog ng dibdib ko at dibdib nya. May sampung segundo na ganun ang ayos namin. At bigla nya ulit ako kiniliti pero bumangon na ako at umupo. Umupo na din sya. "Nakita kasi kita kanina nang nasa taxi palang ako na nasa terrace ka tapos pagpasok ko tulog ka kaya naisip ko na niloloko mo lang ako." sabi nya na hingal na hingal pa din. Umirap lang ako sa kanya. "Kumain kana ba? Tinirhan kita ng kare-kare na PINALUTO MO."  mataray kong sabi na sinadya na idiin ang 'pinaluto mo'.
"Kumain na kami ni Claire sa labas eh." sagot na lalong nagpainis sakin.

(Itutuloy..)

Pre, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon