PART 8

116 2 0
                                    

Gumanti na din ako ng halik sa kanya na may mga luha sa mata.
Ang saya nang pakiramdam ko dahil yung taong akala ko ay di ako kayang mahalin ay eto at kahalikan ko. Ilang segundo din kami na naghalikan at nagyakapan.

Umupo kami sa kama at tinanung kung paano na si Claire. Sinabi nya na kaya sila nagaaway nung nadatnan ko sila ay balak nyang makipaghiwalay dahil nga nalilito na sya nararamdaman nya sakin. Sabi pa nya na nagsinungaling daw si Claire na buntis sya para lang di sya hiwalayan ni Tim. Tinanung din ako ni Tim kung bakit di daw ako nagreply sa mga txt nya. Sinabi ko na di ko binasa. Pero sinabi na nya basahin ko daw. Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binasa ang mga txt nya.

"Jm san ka?"

"Pre,usap tayo. Pasensya kana sa nangyari."

"Pre magreply ka naman."

"Pre,mahal kita. Di ko alam anu tong nararamdaman ko pero sa tingin ko mahal kita. Maghihintay ako sayo lagi dito sa boarding house hanggang dumating ka. Patawarin mo na ako pre."

"Pre ingat ka lagi sana bumalik kana."

Ilan lang yan sa mga txt nya sakin. Hindi ko inexpect na ganun ang txt nya sakin. Halong saya at takot ang pakiramdam ko. Pero sa mga oras na yun pinilit ko na saya lang ang maramdaman.

Madami kaming napag usapan. Nakipag break na daw sya kay claire. Nagbanta pa nga daw itong magpapakamatay kapag iniwan sya pero pinaintindi daw mabuti ni Tim sa kanya ang lahat.
Kinuwento ko din na naglasing ako gabi-gabi kila Pat. Kinuwento ko din ang tungkol samin dati ni Gab kung paano nya ako nasaktan dahil di nya ako kayang panindigan sa pamilya nya.
Sinabi naman sakin ni Tim na wag syang mag alala na gagawin nya sakin yun na di ipaglaban sa pamilya kasi talaga daw sigurado daw sya sa nararamdaman nya at kayang kaya daw nya ako ipakilala sa pamilya nya. Besides may mga pamangkin at pinsan syang tomboy at bakla talaga daw ayaw lang nya sa mapagsamantala eh hindi naman daw ako ganun. Saka open minded naman daw ang mga pamilya nya. Kung iniisip naman daw nila ang tungkol sa apo ay madami naman daw sa iba nyang kapatid. Kaya di na daw kailangan yung sa kanya. Unless daw mag ampon daw kami. Nasa ganung label na kami ng pag uusap ni Tim. Nang biglang sumakit ang dibdib nya at nahirapan huminga. Kinabahan ako,tumawag ako ng tulong. Di ko alam gagawin ko ilang saglit lang ay dumating si Mark at inakay namin si Tim pababa at si ate Merly naman ay tumawag ng taxi.

Dinala namin sya sa ospital habang nasa byahe kami ay umiiyak ako.
"Tim, bakit anu nangyari sayo?" pero di sya nagsasalita parang nawalan sya nangmalay.

Nang nasa ospital na kami ay dali dali syang sinakay sa stretcher at dinala sa emergency room. Habang ako naiwan na tuliro at umiiyak sa labas ng pinto. Nanalangin na walang mangyaring masama kay Tim.

Umupo ako sa mga upuan na nasa labas ng pintuan. Tinawagan ko si Pat. Pupunta daw sya. Di ko alam gagawin ko nanginginig ang buo kong katawan. Malakas ang kabog ng dibdib ko,nag aalala pa din.

Ilang saglit lang ay lumabas ang doktor."kayo po ba ang kasama nng pasyente?" mabilis na tayo ko "opo dok. Anu po lagay nya?"
"Okey naman na sya, pero kailangan pa din na maoperahan ang nagbabarang ugat malapit sa puso nya." sabi nang doktor na kinagulat ko. May sakit si Tim na di ko manlang napansin nung magkasama kami. Tinanung ko s doktor kung malala ang kondisyon nya. Kailangan na daw operahan agad baka daw kasi sa susunod na atake ay ikamatay nya. Parang lumambot ang mga tuhod ko at napaupo. Nagpaalam na ang doktor at biglang dumating si Pat naabutan na umiiyak ako.
"Best si Tim." akap ko kay Pat.

Nailipat na nang kwarto si Tim at pwde nang puntahan. Pag pasok namin ni Pat ay tulog sya,naka dextrose at may tubo sa ilong. Lumapit ako at umupo sa bangko na malapit sa kama nya.
Nagpaalam naman si Pat na lalabas para bumili ng pagkain.

Hinawakan ko ang kamay nya at umiiyak na hinalikan ito.
"Tim,kapit ka lang ha. Nagsisimula palang ang kwento natin baka iwanan mo ako agad. Dito lang ako sa tabi mo mahal na mahal kita." Nakita ko naman na unt-unti syang dumidilat at nakita nya ako. Ngumiti sya.
"Wag kang umiyak mahal ko." sambit na nakita nyang umiiyak ako at kahit medyo hirap sa paghinga.
"Wag kang masyadong magsalita muna."
Gusto ko pa sanang tanungin sa kanya kung bakit di nya sinabi na may sakit pala sya. Pero pinagpahinga ko muna.

Nang bumalik si Pat ay may dalang mga prutas at daming pagkain. Nakatulog naman ulit si Tim. Inaya ko si Pat sa doktor para kausapin kaugnay sa operasyon ni Tim.
Pinaliwanag nag doktor ang gagawing operasyon aabutin daw ng halos isang daang libong peso. Kinuha ko ang cellphone nya at hinanap ang no. ng tita nya. Dahil sa katarantahan ko di ko na naisip agad ang pamilya nya. Nahanap ko number ng tita nya at tinawagan ko sinabi na nasa ospital si Tim. Mga kalahating oras na may umiiyak na matandang babae na may kasamng lalaki na kamukha ni Tim,heto na siguro ang tita nya. Sinabi ko na kasi sa kanila sa cellphone ang room number. Pagkita sakin nang tita nya ay umiyak lalo sabay senyas ko na pumasok na. Halos humagulgol naman sa iyak ang tita nya habang nakaalalay siguro ay kapatid nga nya. Siguro nasa 50+ na ang edad ng tita nya at yung kapatid nya mas bata kay Tim pero kahawig nya. Matangkad din.

Nagising naman si Tim at lumabas muna kami ni Pat para may privacy sila. Naglakad lakad kami ni Pat,nagpasalamat naman ako sa pagdamay nya sakin. Kinuwento ko na din ang lahat ng tungkol samin ni Tim.

(Itutuloy.)

Pre, I love youWhere stories live. Discover now