Hit #45

7.9K 225 57
                                    

“Tase! What the hell are you doing?!” gulat kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Kakababa ko lang at naabutan ko siya sa kusina na nagluluto, o sinusunog ang kusina niya. There are smoke everywhere.

Napangiwi siya at kalaunaʼy ngumuso. Binitawan niya na ang sandok at lumapit sa 'kin. He briefly kissed my lips as he gently caress my baby bump. “Good morning. Iʼm trying to make some breakfast but...” mas lalo siyang ngumiwi. I bit my lip as I stared at his face. He looks so awkward. Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan ang sarili at napatawa. Lukot ang mukha niyang tiningnan ako.

“You know that you donʼt have any skills when it comes to cooking,” natatawa kong ani.

“Iʼm jus trying. I donʼt want you working around anymore... Your tummy is so big,” aniya at muling hinaplos ang tyan ko. I smiled. Kabuwanan ko na. Itʼs been months and my baby bump is really big. Hindi na nga kami magkadikit ni Tase kapag magkaharap kami.

“Cooking wonʼt tire me, baby. Iʼll cook instead so we can visit the house after.” kinagat niya ang labi at tumango.

“You sure you want to visit the house now? We can do it after you give birth. You should just rest here.”

“I can still walk and walk, Tase. I want to visit the house.” tumango na lang siya at saglit ulit akong hinalikan.

Ako na ang nagluto ng breakfast namin dahil baka tuluyan niya nang masunog 'tong penthouse niya.

After the abducting incident, Tase didnʼt leave my side anymore. Talagang nag-pasya siyang sa kaniya na ako tumira lalo naʼt alam niyang buntis ako. I was hesitant at first because of mama. Tase offered her to live with us but she declined, just what Iʼve expected. I tried to talk and force her but she just wonʼt really say yes. We came up on an agreement instead. Kapag tuluyan nang naayos ang bahay na pinapagawa ni Tase para sa amin ay tsaka lang titira sa 'min si mama. Sa ngayon, nasa unit pa rin siya. She assured me that sheʼll be fine alone for the mean time.

Today, we will be visiting our house. Itʼs almost finished. Final touches na lang at mga furnitures ang kulang. Halos sampung buwan na rin ang nakararaan nang simulan 'yong ipagawa ni Tase.

Hindi naging madali ang mga unang buwan sa 'kin pagkatapos ng mga ginawa sa akin nina Dalla. I suffered from nightmares for a month. Iyong magigising na lang ako bigla sa madaling araw na hinihingal at pawis na pawis, iniisip na hinahabol pa rin ako nina Dalla at ng baliw na doctor para buksan ang tyan ko. It was hard. But because of the people around me, I managed to recover. The whole Ludic Selcouth, Signy, Prada, even the Bellicose, and of course, my mama. Hindi nila ako iniwan at laging naka-alalay.

Lalo na si Tase.

Hindi rin naging madali ang naging kaso laban kay Dalla Estevan. Their family is also rich and powerful. Muntik nang magkaroon ng dayaan. The Estevans tried to pay someone to get rid of the evidences. Kahit na alam nilang malaki ang kasalanan ng anak nila ay pilit pa rin nilang itinatanggi. Of course, it will stain their image. Malaking kahihiyan 'yon sa pamilya nila. But the Mortells did not allow it to happen. We fought until we make sure that Dalla wonʼt get out of jail. Isa pa, maraming dokumento na hawak si Drevo Estevan tungkol sa panloloko ng kapatid niya.

Drevo Estevan... He sided on us. Iʼm glad that he wonʼt tolerate his sisterʼs foul actions anymore.

Kasabay ng mga bangungot ko noon ang usad ng kaso kaya naman nahirapan talaga ako. The crazy doctor was thrown inside a mental facility. Tuluyan siyang nawalan ng lisensya, tuluyan ding nabaliw at nawala sa sarili. Tumatak sa isipan niya ang mga sinabi ko noon. The mental facility will also serve as his jail.

And Erwin, the bastard who harassed and attempted to rape me. Syempre ay nakulong din siya. Nang dumating siya noon sa korte ay paika-ika ang lakad niya at may saklay. Siguro nga ay na-damage ang pagkalalaki niya dahil sa ginawa ko. He deserves it. Heʼs a fucking pig and rapist. Muntik-muntikan ko na siyang sugurin noon kung hindi lang ako pinakalma ni Tase.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon