Hit #7

6.7K 274 53
                                    


Mag-isa akong nag dinner dahil wala si Tase at hindi ko mahagilap, siguro ay naghahanda para sa performance niya. Nang makitang 6:45 pm na ay agad kong hinanap ang Pry Bar na sinasabi ni Paesyn. Mabilis ko naman iyong natagpuan dahil agaw pansin ang malaking neon lights na PRY BAR sa harapan mismo ng bar.

Nagmamadali akong pumasok pero halos manlumo ako nang makitang sobrang crowded sa loob. Nandito ata ang lahat ng tao na nasa islang ʼto para mapanuod si Tase!

Pilit akong nakipagsiksikan para marating ang bar counter, mukha kasing maganda ang view doon at tanaw na tanaw ang stage. Mabilis akong tumakbo nang makitang isang high chair na lang ang bakante. Nang saktong maka-upo ako ay may babae ring tumakbo ron pero huli na dahil nakapuwesto na ako.

I smirked. I immediately ordered a vodka soda this time.

Iginala ko ang paningin at sobrang dami talaga ng tao. Kaya pala ang tahimik sa labas kanina, nandito silang lahat!

Ilang minuto pa bago ko narinig ang malakas na tilian sa may bandang entrance ng bar. Agad akong napatingin doon pero hindi ko makita dahil ang daming tao. Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik ang tingin sa stage.

Ilang sandali pa ay mas lalong lumakas ang tilian at sigawan ng mga tao at doon ko na natanaw si Tase sa may gilid ng stage habang may nakapalibot sa kaniyang mga bouncers.

My heart raced.

Pilit na hinaharangan ng mga bouncers ang ibang aggressive fans na lumalapit kay Tase. Napangiwi ako. Gail will be hysteric once she sees this.

Ilang sandali pa ay may gwapong lalaki na tingin ko ay nasa late 20ʼs ang umakyat sa stage habang may hawak na mic. He smiled at the crowd kaya naman napatigil ang iba at napabaling sa kaniya.

“Good evening. I know that youʼre all excited for Tase Mortellʼs performance for tonight. Iʼm glad that he considered our request. When we heard that heʼs currently here at the island, we decided to grab the opportunity to invite him for a special performance. Itʼs my sisterʼs birthday today and she forced me to talk to Tase for her.” he chuckled and the crowd cheered.

Maybe heʼs the bar owner.

Napatingin naman ako kay Tase na abalang pinaglalaruan ang silver chain necklace niya habang may kinakalikot sa kaniyang cellphone. Heʼs wearing a gray shirt and a knee ripped jeans. His hair is messy na mas lalong nagpa-attract sa mga tao. Kumikinang din ang tatlong piercings niya sa kanang tenga.

Nang matapos magsalita ang lalaki ay bumaba na ito ng stage at nilapitan si Tase, nag-usap sila saglit at bahagyang tinapik noong lalaki ang balikat ni Tase.

Nang magsimulang umakyat si Tase sa stage habang dala ang gitara niya ay mas lalong naging wild ang mga tao. Pati ako ay sobrang na-eexcite. When he reached the stage, he briefly arrange the mic stand according to his height.

“Good evening.” his rough baritone voice filled the bar. The crowd went ballistic that made him chuckle.

“This set-upʼs kinda new to me. Iʼm so used at being the drummer, our vocalist, Rush should be the one in here," he said. I swear halos tumirik na ang mata ng mga babae rito.

“But anyway, Iʼm still glad for this opportunity. This is the first time that Iʼll perform solo but, I just want you to know that even though my bandmates are not here to perform with me, Iʼm still carrying the Ludic Selcouthʼs name." muling nag sigawan ang mga tao.

I can't help but to feel proud. Of course, heʼll never forget about Ludic Selcouth.

Saglit niyang iginala ang mata sa dagat ng mga tao at halos maubusan ako ng hininga nang makitang napadako ang tingin niya sa gawi namin. Pasimple akong yumuko at huminga nang malalim.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon