Chapter 13: Preparation

Start from the beginning
                                    

"Pinapasabi po ni Haya na handa na po ang mga sangkap, Kamahalan." sagot niya.

"Gano'n ba? Sige, sabay na tayong magtungo sa kusina." sabi ko. Napatingin sa akin si Heneral Chu na nagtataka.

"Heneral, maaari bang maghintay muna kayo sa silid na ito? May gagawin lamang ako para sa iyo." sabi ko.

"Ano iyon, Kamahalan?" tanong niya.

"Paglulutuan kita ng pagkain bilang pagtanaw ng utang na loob para sa pagtulong sa akin. Nais ko lamang magpasalamat sa iyo." sagot ko.

"K-Kamahalan, 'wag na po kayong mag-abala pa. Hindi rin naman po ako magtatagal dito dahil may iba pang ipinag-uutos ang mahal na Hari sa akin, Kamahalan." sabi niya.

"Wag ka ng tumanggi pa dahil nakahanda na ang mga sangkap. Nais mo bang magtampo ang Reyna mo?" sabi ko sa kaniya. Hindi ko inaasahang mamumula siya dahil lamang sa sinabi ko.

"M-Masusunod, Kamahalan." naiilang niyang sagot. Natawa na lamang ako ng mahina.

"Sige, 'wag kang aalis, ha?" bilin ko at agad na kaming nagtungo sa kusina.

Nagsimula na kami. Kasama ko pa rin ang mga bata sa pagluluto. Ang saya lang dahil dumadami na ang mga nakikilala kong may malasakit sa Reyna. I have this feeling na darating ang oras at kakailanganin ko ang tulong nila.

***

Umalis na ang Heneral. Hindi na siya nag-abalang kumain pa dito dahil may dumating na isang kawal at pinapatawag na nga siya ng Hari. Inalagay ko na lamang ang niluto kong pagkain sa isang lalagyan para kung may oras ito ay makain na niya.

"Mauna na po kami, Kamahalan." paalam ng nga bata kaya tumango na lamang ako.

"Mag-iingat kayo sa daan." bilin ko.

Nang makaalis na sila ay sinara ko na ang pinto ng bahay. Hinipan ko na ang mga ilaw na nakasindi upang mamatay. Matutulog na ako. Kailangan dapat maganda pa ako sa mga empaktitang bruhang iyon.

"Sweet night, Disha." sabi ko sa sarili ko at humiga na nga sa aking higaan. Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng aking antok.

Third Person's POV

Magmula pa kahapon ay abala na ang palasyo sa paghahanda para sa pagdiriwang. Iba't ibang uri ng pagkain para sa kanilang mga bisitang darating na nagmula pa sa karatig na kaharian. Darating sila mamaya kaya abalang-abala ang lahat sa paghahanda.

"Kamahalan, narito na po ang mahal na Inang Reyna." saad ng Eunuch ng Hari.

Hindi niya inaasahang pagtutuonan ng pansin ng Inang Reyna ang imbitasyong pinadala niya sa mensahero ng palasyo.

"Magdala ng makakain sa bulwagan ng Inang Reyna ngayon din." utos niya sa kaniyang tagasunod.

"Masusunod po, Kamahalan." at umalis na nga ito.

Umalis na rin ang Hari sa kaniyang silid at nagtungo sa kinaroroonan ng Inang Reyna.

Ang lahat ay nagbigay-pugay sa Inang Reyna gayon din ang Hari na kararating lamang sa silid ng Inang Reyna. Nagtama ang kanilang paningin pero agad ding nag-iwas ng tingin ang Inang Reyna dahil galit pa rin ito sa Hari.

"Magsi-alis na muna kayo, mag-uusap pa kami ng mahal na Hari." may diin nitong utos sa lahat kaya agad din silang nagpaalam na.

"Kamahalan, narito na po ang pagkain ng Inang Reyna." anunsyo ng Eunuch ng Hari.

"Ipasok niyo na iyan at pagkatapos ay umalis na kayo dito sa silid." utos ng Hari. Agad din silang pumasok at nilapag ang mga pagkaing niluto ng mga tagaluto ng palasyo.

Nang matapos ang lahat ay nagpaalam din sila kaagad sa kanilang Kamahalan, ang Hari at Inang Reyna.

"Maligayang pagbabalik, mahal na Inang Reyna. Hindi ko inaasahang pagbibigyan mo ang aking imbitasyon." bati niya sa Reyna.

"Wag mong isiping umuwi ako dito para sa kaharian mo. Nais ko lamang dalawin ang apo at ang mahal kong Reyna. At isa pa, pagdiriwang ito ng pista kaya kailangan kong dumalo dahil pangungunahan ko pa naman ito." sagot niya. Medyo nasaktan ang Hari dahil sa naging sagot ng Inang Reyna na lola pa naman din niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng Inang Reyna na hindi masasaktan ang damdamin ng apo niya. Ginagawa lang naman niya ito para sa kanila. Nais niyang magkabalikan na ang mga mahal niya at nais niyang malaman kung ano nga talaga ang mga nangyari.

"Kung gano'n ay magpahinga na muna po kayo. Alam kong napagod din po kayo sa inyong paglalakbay kaya kumain na muna po kayo at bumawi ng lakas. Mamaya darating dito ang Reyna kaya tiyak kong masisiyahan kayo." maluwang nitong saad sa Inang Reyna.

Nagpantig naman ang dalawang tainga ng Reyna dahil sa kaniyang narinig na darating din ang Reyna. Nagagalak na siya ngayon dahil maaaring magkabalikan na nga ang dalawa.

"Maraming salamat, Apo. Sige na, maaari ka ng bumalik sa iyong ginagawa. Sana ay dumating ang panahon na magkabalikan na nga kayo. Hinihiling ko sa langit na sana basbasan pa kayong dalawa." ang kaninang galit ay napalitan na ng tuwa. Ngumiti na lamang ang Hari at nilisan na ang silid ng Inang Reyna.

"Dalhin niyo ang mahal na Prinsipe sa aking silid. Sabihin niyo sa kaniyang narito na ako." utos ng Reyna sa kaniyang mga tagasunod.

"Masusunod po, Kamahalan." sagot ng kaniyang mga tagasunod.

Masayang kumain ang Inang Reyna habang hinihintay ang kaniyang apo sa tuhod, ang Prinsipe. Hindi niya inaakalang ang laki na pala ng ipinagbago ng kaharian dahil nagagawa ng umapak ng Reyna sa palasyo. Mukhang magandang simula ito para sa kaniyang pamilya. Pero meron pa rin sa kaloob-looban niya na parang may mali.

Disha's POV

"Sweetheart..."

"Please...wake up!"

Napaigtad ako at hangos na hangos na napabangon dahil sa panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag pero alam ko at malinaw pa rin sa akin ang nakita ko. Nakita ko ang sarili ko na nakaratay sa isang higaan. It's like sleeping like beauty...a dead one. Am I still breathing in the future? Am I still alive?

"Kamahalan, ayos lang po ba kayo mukhang hinahangos po kayo." nakita ko ang pagdating ni Weyla.

Huminga na lamang ako at Ipinagwalang-bahala na lamang ang aking panaginip. Imposibleng mangyari iyon dahil patay na ako. At wala ring paraan para makabalik ako sa aking kung sakali ngang buhay pa rin ang katawan ko.

"Wala ito, masamang panaginip lamang." sagot ko. Tumayo na at nagtungo sa kanila.

"Ang aga niyo ata? Anong meron at gayak na gayak kayo?" tanong ko. Naoakamot silang dalawa sa kanilang ulo.

"Kamahalan, ngayon po ang pista, nakalimutan niyo na po ba?" tanong niya. Nanlaki ang aking mga mata. Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan.

"Kamahalan, kailangan na po nating magmadali dahil malapit ng magsimula ang pag-aalay para sa pagdiriwang ng pista." sabi ni Haya.

"Oh, tara na. Kayo na ang bahala dito maliligo lamang ako. Pakihanda naman ng mga gagamitin ko. Aish, kung kailan naman oh, tulog mantika ka talaga." nagmadali na akong nagtungo sa palikuran at naligo na nga.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now