"Oh bakit ako? Bakit sa akin napunta ang usapan?" sabay turo ko sa aking sarili.

"Hala, basta!! Walang bubuka. Ganern!! Para di mangamoy ang kipayra...Charot!!!" Bira, sabay bawi ni Ann.

"Tama na ang usapang buka-buka na yan. Ayusin na natin to nang mabilis nang matapos." Bigay suhestyon ko. pag nagpatuloy pa kasi ang usapan ay mukhang wala na kaming matatapos pa. Pasalamat na lang ako at natapos kami kahit pagabi na. Next week pa naman ng Thursday ang presentation nun. Hinatid ko na ang mga ito sa labas, at naghihintay na ang driver ni Ann. Malapit lang naman si Lhen dito sa amin. Karatig bayan lang, kaya si Ann na lang ang maghahatid dito. Saglit lang naman ang byahe papunta kina Lhen, tapos saka na ito uuwi ng Calaca.

"Bye, ingat kayo. Kuya careful po sa pagdadrive. Bye" as I waved my hand. Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang sasakyan kung saan lulan ang mga ito, saka pa ako pumasok ng bahay at nag-diretso sa kusina para tumulong sa paghahanda ng hapunan.

Matapos ang hapunan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Kuya Bojo.

"Hello, Kuya. Bakit po?" magalang kong tanong.

"Nakausap ka na ba ni Mason?" bigla akong kinutuban sa tanong nito.

'May sinabi ba dito si Kuya Nic about sa napag-usapan namin last time? Patay kang bata ka!'

"Nakausap? Bakit nya ako kakausapin kuya? " patay malisya kong tugon.

"Naku! Ang isang yun, sobrang busy talaga. Nakalimot na yata." Naririnig ko ang pagpalatak nito sa kabilang linya. "Tsk.. tsk.. Kahit kailan talaga." Sabi pa nito. "Shilloh, free ka ba sa Monday?" panimula ni kuya.

"May klase ako, pero ang alam ko ay busy ang mga maam at sir. Si Maam Salazar naman nagsabi na sya last time na di daw sya a-attend ng aming klase, because she will send those trainees on site. Yung iba naman ay assign sa documentation regarding the school accreditation. Baka daw sa Tuesday na kami magkaroon ng formal na klase. Mag-iiwan lang daw sila ng worksheets" Paliwanag ko. "Bakit kuya?"

"May Alay Lakad kasi sa Monday, eh wala pang nakukuhang representative ang San Luis. Papa recommended you to Mason. He said yes... Tapos di ka pa pala tinatawagan. Napaka talaga!!" mukhang inis na itong si Kuya Bojo. Napapabuga na kasi ito ng hangin ng paulit--ulit

"Sige kuya. Magpapa-alam lang ako kina Lolo at Lola, pati na rin sa mga Professor ko."

"No need, ako ng bahala sa professors mo. Leave it to me. Kayna Lolo at Lola ka na lang magsabi." Dagdag pa ni kuya.

"Salamat po. Anong oras po ba yan?" tanong ko pa. Baka kasi abutin na kami ng gabi dun, ayaw pa naman nila Lolo na inaabot ako ng alanganing oras sa labas.

"Kailangan daw ay maaga pa lang ay nasa munisipyo ka na. Dun ka daw magmumula. Baka isabay ka na rin ni Mason papunta sa venue. Wag mo na ring alalahanin ang susuotin mo, sila na daw ang bahala dun." Paliwanag pa ni Kuya Bojo. "Don't worry, I already told them that you don't like too revealing clothes. Relax ka na lang, they got you" Salitang nag-pangiti sa akin. Buti naman.

"Ok, go na ako kuya." Pag-payag ko. Wala namang mawawala. Isa pa ay kasama ko naman si Kuya Nic. Safe naman ako pag kasama ko sya.

"Sya sige, tulog ka na. Salamat. Hinatayin mo na lang ang tawag ni Mason, baka busy pa yun. Kilala mo naman yun. Kahit yata cellphone ay hindi na nuon masulyapan."

"Sige, wait ko na lang sya kung tatawag man o ano. Baka nga busy talaga. At tsaka maaga pa naman, manunood muna ako bago matulog"

"Ok, sige bye na Shilloh. Ingat." At binaba na nito ang tawag. Umakyat na naman ako sa itaas at nag-umpisa na ng manuod. Di pa ako naka-kalahati nang biglang kumatok si Nanay Naty.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Where stories live. Discover now