PART 1

273 6 0
                                    

Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Jm dalawangpu't apat na taon at nagtratrabaho bilang isang cook sa isang restaurant.

Nagsimula ang kwento ko nung naghahanap ako ng malilipatang boarding house malapit sa trabaho ko kasi nahihirapan na ako sa kabya-byahe gusto ko ay yung walking distance lang at dun ko na din nakilala si Tim.

Dahil day off ko sinubukan ko nang maghanap ng boarding house malapit sa restaurant na pingtratrabuhan ko. Bigla kong nakita ang nakapaskil sa may poste malapit sa tindahan dalawang kanto ang layo sa trabaho ko. Wanted roommate,malaki ang kwarto kaysa ang dalawa, isa nalang ang bakante. Sa isip isip ko ok na to bedspace dalawa lang naman kami kaya ok na din.

"Ate,saan po ito?" tanung ko sa babae at pinakita ko ang papel na kinuha ko sa poste.

Tinignan ako nang babae at ngumiti,"dito yan."

Kinausap nya ako sya daw ang may ari ng kwarto na paupahan.
"Malaki kasi ang kwarto kaya kinausap ko yung naunang umuupa na kung gusto nya na may kasama at para may kahati sa upa. Pumayag naman sya. Sayang naman kasi kung di ko gagawing dalawa ang pauupahin ko saka para din makatipid si Tim. Tim nga pala ang pangalan nang makakasama mo." Hindi naman madaldal si ate pero nakakatuwa dahil kinuwento din nya na dalawa nalang sila ng anak nya na nakatira kaya pinaupahan nila yung itaas ng bahay nila.

"Gusto mo bang makita ang kwarto. Andyan naman si Tim tamang tama para magkakilala kayo." masayang sabi ni ate merly. Yun daw ang itawag ko sa kanya.
Sinundan ko naman sya,dalawanc palapag ang bahay nila sa baba ay dun sila nakatira nang anak nya at sa taas ay yung paupahan nila.
Kumatok na si ate merly at biglang bukas nang pinto bumangad sakin ang isang matangkad,maputi na lalaki.

"Ah pasensya kana Tim kung nagising kita alam ko na day off mo ngayon." paghingi ni ate merly ng pasensya kasi halata sa mukha ni Tim na natutulog sya dahil nakaboxer short lang ang suot nya,"eto nga pala si..." napahinto si ate merly kasi di pa pala nya alam pangalan ko,siguro dahil sa kadaldalan nya nakalimutan nynag natungin at hindi ko din naman nasabi.
"Jm po." sagot ko na tinignan si Tim binigyan lang nya ako ng pilit na ngiti.
"Ah oo tama si Jm,gusto nya makita ang kwarto. Sya ang makakasama mo dito." paliwanag ni tita merly.

"Sige po." maikling sagot ni Tim na halata na pagod sa trabaho. Agad naman kaming pumasok nakita ko na maluwang nga may dalawang kama na,nasa loob na din ang cr at maliit na kusina tamang tama lang sa dalawang tao. May terrace din na pwdeng magkape o tumambay habang nakatanaw sa kalsada. Napansin ko din na nagkalat ang mga damit ni Tim sa sahig. Nasabi ko sa sarili ko mukhang mahihirapan ako kasi ako ang tipo ng lalaki na ayaw na ayaw ko sa makalat at madumi.

"Oh anu Jm,ok ba sayo?" tanung ni tita merly sakin."ah o-opo." biglang tingin ko kay Tim,umirap lang sya at humiga ulit.
Nagpaalam na si tita merly at lumabas na kami. Hindi na kumibo si Tim siguro nakatulog na. Gusto ko pa sanang umatras kasi mukang ayaw sakin ni Tim pero kailangan ko na talagang lumipat para makatipid sa gastos.

Pinag usapan na namin ni tita merly ang bayaran,wala naman syang sinabing bawal basta ingat lang daw sa pagluluto baka daw magkasunog, pwde din daw na maginum pero di pwde magsama ng maraming barkada.

Nagbigay na ako ng pang downpayment at deposit at sinabing sa susunod na linggo na ang lipat ko.

Pag uwe galing trabaho ay nag impake na ako ng mga gamit ko,lilipat na kasi ako bukas at sa sasakyan ng kaibigan ko isasakay lahat ng gamit ko nagpatulong na kasi ako para makatipid. At syempre bestfreind forever ko si Patrick.

Bakla din sya ay oo nga pala di ko nasasabi na bakla ako. Kami ang mga bakla na discreet o di halata. Alam sa trabaho ko ang tunay kong kasarian,katunayan nga may naging ex-boyfreind ako sa dating trabaho ko,nagresign ako dun kasi bawal ang magkarelasyon at ginago lang din nya ako maatapos ang ilang taon na pagsasama namin di nya pala ako kayang ipaglaban sa pamilya nya. Gusto kasi nang pamilya nya na magka apo.

Noong una hindi din gaanong tanggap ni papa na ang kaisa-isa nyang anak na lalaki ay bakla pa,pero sa bandang huli ay natanggap din ako ni papa dahil nakausporta sakin si mama. Noong namatay si mama dahil sa breast cancer ay lalo pa akong minahal ni papa dahil bunso pa ako. Ilang taon na din mula ning namatay si mama. Nag asawa ulit si papa at yung mga kapatid ko may mga sariling pamilya na din. Kaya sarili ko nalang ang iniisip ko.

(Itutuloy...)

Pre, I love youWhere stories live. Discover now