Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                        

‘No, Lanz! My family didn’t kill you. Your blood kills your family. At mas lalong hindi ko kayang patayin ang iyong kapatid. Sinaktan ko siya, oo, pero nagawa ko lang iyon dahil sa kailangan.’

Bakit ang sakit tanggapin ang mga akusasyong galing mismo sa mahal mo at ang mga akusayong iyon ay hindi naman totoo? Bakit ang sakit?

“L-Lanz, please… believe me… trust me… and l-love me… this is our battle, we need to fight this together. I didn’t betray you… I really love you, Lanz–that scene you saw was just an act. B­Believe me, please… you can ask your Beta before accusing me… Lanz. You can also ask your sister before judging m–”

“Shut up, Veronica! I don’t want to hear your lies and excuses. I already saw it and I will believe what I’ve seen,” galit na putol niya sa salita ko. Galit pa rin ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

I bit my lower lip to lessen the ache of my heart. I felt how my tears fell on my cheeks. Nasasaktan ako sa sinabi ni Lanz. Tama si Davin, hindi niya ako pinaniwalaan. Bakit gano’n? Bakit hindi niya ako pinaniwalaan?

He said he will always trust me and if I explain he will listen. Now what? He didn’t want me to explain. He can’t even ask me if I am okay. He can’t even ask me about his sister. He didn’t trust me anymore.

“W-Why? I thought you will hear my explanation if I did something wrong. I thought you will trust me.” Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. Hinayaan niya lang ako sa aking ginawa pero hindi niya ako binigyan ng tingin.

Kung ang titig niya sa akin ay malamig, iba naman ang dala ng kanyang kamay. Ramdam ko ang init nitong dala na nakapagbigay ng kaunting pag-asa na pakinggan niya ako. Ang sakit lang dahil malamig ang pakikitungo nito sa akin. I regretted what I did to his sister. I really don’t know what to do at that time.

“I trusted you but what did you do? You broke my trust. It hurts, Veronica.” His voice was cold and plain. Kinuha niya ang kamay kong humawak sa kanya. Tinalikuran niya ako, hindi niya pa rin ako tiningnan. Humakbang ito paalis, mukhang iiwan ako na walang paalam.

Bawat hakbang ng kanyang paa palayo sa akin ay sakit sa aking puso ang dala. Bakit Lanz? Bakit hindi mo kayang pakinggan?

“L-Lanz… do you really love me?” nagpakawala ako ng hikbi pagkatapos kong matanong iyon sa kanya. It hurts if your love will not trust you anymore. I did something wrong but I have a reason.

“Know it by yourself. Go away, Veronica… I’m just holding my temper not to kill you, right now.” He left me dumbfounded.

Mas lalong dumami pagpatak ng luha ko. His words made my heart bleeds. Ang sakit na ang mahal mo mismo ang nagsabi ng ganyan sa ‘yo.

“Y-Your words… it’s killing me slowly, Lanz. It’s better if you will kill me in your bare hands… than doing this…” naiiyak na wika ko. Napahawak ako sa puso ko, para itong hinihiwa ng pauli-ulit. Ang sakit-sakit.

“… go on, Lanz. Kill me, so I can’t feel the pain you gave… please, kill me!” I shouted at him with tears in my eyes.

Napaupo ako sa sahig. Napahagulhol pa rin ako sa pag-iyak dahil hindi ko na kayang pigilan ang sakit. Hindi ko kayang igalaw ang aking katawan. Namamanhid iyon dahil sa sakit ng aking puso. Hindi ko kaya ang sakit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tanging pag-iyak lang ang aking magawa.

Kahit nanlabo ang aking paningin. Nakita kong tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako, wala pa ring emosyon ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Walang awa sa kanyang mga mata, nakita ko pang kinuyom nito ang kanyang kamao.

‘Stand up, Veronica! Fix yourself. He didn’t care about you anymore. He didn’t love you. It’s natural to be in pain but please don’t be weak, fight the pain… please Veronica. And, if he can’t trust me, let him be,’ wika ko sa aking isipan.

Pinahid ko ang mga luhang lumabas sa aking mata. Pilit akong tumayo at maging malakas sa paningin niya. Tinigilan ko na rin ang pag-iyak ko kahit gustong-gusto kong pakawalan iyon sa harap niya.

Nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan kanina at ang malamig nitong tingin ay nandoon pa rin sa akin. Kahit nangangatog ang tuhod ko humakbang pa rin ako papalapit sa kanya hanggang sa nalampasan ko siya. Kahit gusto na ng mga paa ko na tumigil sa harap niya pero pinigilan ko para malampasan siya. Kagat ko ang pang-ibabang labi nang tumigil ako sa ‘di kalayuan sa pwesto niya.

Kinuyom ko ang aking kamao para humugot ng lakas at makapagsalita.

“Again, Lanz… I am not a traitor. I didn’t help my fake grandfather. I did it to save the innocent people that he wanted to kill. That was an act, Lanz. Also, my family didn’t kill your pack… it’s your own blood that killed your entire family. And again, one of your allies is a traitor, but it wasn’t me,” malamig kong wika. Sa wakas nakapagsalita ako na hindi nauutal. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang paghikbi.

“See you at the battlefield then, my Alpha.”

Kinuha ko ang diary ni Lolo Oliver na nasa loob ng jacket ko, binagsak ko lang iyon sa sahig kaya nakagawa ng malakas na ingay. Agad akong kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. Gusto ko nang makaalis at umiyak ng todo na walang makarinig sa akin.

Nang makapasok ako sa kotse, doon ko binuhos ang lahat. Mahigpit ang paghawak ko sa manibela at mahinang pinugpog ang noo habang umiiyak. I kept asking myself why he can’t trust me. Why?

“Why? If we are in pain, we also have tears in our eyes? Why? I don’t want to cry but why do my tears keep falling on my cheeks? Why?!” I shouted to lessen the pain I felt inside my heart. Pero hindi pa rin maibsan ang sakit sa puso ko. Ang luha ko ay patuloy pa rin sa pagbagsak na para bang walang katapusan.

‘I am brave, why I’m crying just because of the pain in my heart?’

“Pain is just like our tears, we can’t hold and control it. Pain is unstoppable just like an exploding bomb, and it can affect our whole system.” His voice was sweet but unfamiliar to my ears.

His words made me stop crying. Nalingon ako sa pinanggalingan ng boses. A man gave me a quick smile when our eyes met.

Who is he? Why he is familiar to me?

* * *

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now