May sasabihin pa sana ito pero ibinagsak kong sinirado ang pinto ng sasakyan kaya hindi ko narinig. Sinayang niya lang ang oras ko. Napaka-traydor.
Nang makalabas ako sa sasakyan, patakbo akong pumasok ng bahay. Hindi ko ininda ang pangangalay ng binti ko. Gusto kong makita at makausap si Lanz. Gusto ko siyang mayakap. I miss him.
Sa wakas, nakarating ako sa ikatlong palapag. Tulad nang dati. Sirang-sira ang mga mwebles pero ang pinagkakaiba dahil walang alikabok dahil makintab ang sahig at dingding. Ang nakasabit na mga malaking picture frame sa dingding ay maayos na, hindi tulad nang dati na wasak.
Naagaw ang atensyon ko sa family picture nila. Ang family picture ng mga McMahon na kung saan nandyan si Lolo Oliver pero punit ang sa bandang hitsura nito at ang ama ni Lanz na si Xander. Tulad nang nakita ko sa talaarawan ni Lolo Oliver ang picture na nakasabit sa dingding. Makita sa picture ang malayong agwat ni Lolo Oliver na para bang ilang na ilang sa kapamilya.
Nakita ko rin ang family picture nila Lanz, apat sila ang nasa picture–ang magkatabing si Lanz at Farah nasa likuran nila ang kanilang ama’t ina na kung saan kapwa silang nakangiti. Ang taglay na kagwapuhan at kagandahan ni Lanz at Farah ay nakuha sa kanilang ama't ina.
Nabaling ang tingin ko sa kabilang dingding. Nakita kong maayos na ang litrato ni Lanz. Napatigilan ako sandali at tinitigan ng mabuti ang litrato ng katabi ni Lanz. It was me. It was a young version of myself with a wolf.
Napangiti ako nang makita ko iyon. Alam ko na kung bakit may litrato ako rito dahil nakilala ko si Farah noong labindalawang taon ako--doon sa isang park, noong sa Small Town pa kami nakatira. We are a stranger at that time. We never say each other’s name but we treat ourselves as friends. Sinundan ko lang naman talaga ang malaking aso noon hanggang sa makarating ako sa park then I met Farah. Magkakilala na pala kami noon pa man bago kami nagkakilala ngayon. Pero nakalimutan ko lang dahil sa potion na pinainom sa akin ni Lolo Alessandro. This is fate.
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago dumiretso sa kwarto ni Lanz. Akmang kakatok ako biglang bumukas ang pinto. Malamig na titig ni Lanz ang bumungad sa akin. Napalunok ako habang nilalabanan ang titig niya. Gusto kong magsalita pero umurong bigla ang dila ko na para bang ayaw lumabas ang salita sa aking bibig.
“What are you doing here?” malamig nitong tanong. Umiwas siya ng tingin sa akin. Dati ay matamis na ngiti ang bungad niya sa akin. Ngayon hindi na.
“L-Lanz…” mahinang sambit ko.
“What are you doing here? I don’t want to see your face anymore. Leave now! Get out of my sight, Veronica,” maawtoridad niyang wika, itinuro niya pa ang daan palabas.
He cast me away. Ang sakit.
“L-Lanz, I’m… I’m very sorry. Hear my side, p-please. I’m begging you. That was Davin’s plan. Sinunod ko lang ang plano ni Davin. He’s a traitor Lanz.” Agad namang tumulo ang luha sa aking mga mata. I’m crying while begging in front of him.
“N-No, Veronica! He’s not a traitor. He’s very loyal to me. You–you are the traitor here. You didn’t love me. You’re the one who betrayed me. You’re the one who hurt me and my sister.” He gritted his teeth in anger.
Napahagulhol ako sa sinabi niya. ‘No! I am not a traitor. Si Davin ang traydor. Siya ang may kakagawan nito dahil gusto niya tayong paghiwalayin.’ Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko masabi. I love him so much. I really do. I didn’t betray him.
“Your family killed my parents–also the member of our pack. And then, I saw how you tried to kill my sister too. She’s the family I have but you… you tortured her. I saw it, Veronica!”
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Eight
Start from the beginning
