Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                        

“Hindi dapat malaman ni Lanz ang totoo dahil ako mismo ang magsasabi sa kanya. I am loyal to my Alpha because he is the only Alpha who accepted me.”

Accepted him? Why? Ano siya?

Naging interesado naman ako sa kanyang sinabi. Parang may gusto siyang ikwento sa akin.

“Accepted you? Why?” usisa ko.

He laughed. “I am a foreign wolf, no pack. Sa ibang bansa ako lumaki at nag-aral. Umuwi ako lang ako dito dahil may trahedyang naganap sa lugar na tinirhan ng ama ko na kung saan ang pamilyang McMahon ang Alpha ng pack sa lugar. Ang ama ko ay isang Hunter at may lihim na galit sa mga McMahon.”

Hunter ang kanyang ama? May lihim na galit ang kanyang ama sa pamilyang McMahon?

“I don’t understand. I thought you will explain, why are you telling me a story about your life?” I asked with confusion. Nakasalubong na rin ang kilay ko na tumingin sa kanya.

“Hear my story first. This is ho–”

“Stop! I don’t want to hear the story of your life. Get straight to the point, Davin. Ayaw ko nang paliguy-ligoy dahil nasasayang ang oras ko. Sagutin mo na lang ang mga tanong ko. Will you?”

Naiinip na ako. Hindi ko kailangan ng storya niya sa buhay. Ang kailangan kong marinig ay ang mga malalim niyang rason kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa akin.

“Bakit pinalabas mo akong masama sa mga mata ni Lanz? That was your crazy plan, Davin!”

Umiling-iling siya at malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago sumagot.

“Gusto kong magalit sa’yo si Lanz at lumayo ang loob niya sa’yo. Gusto kong paghiwalayin kayo,” walang emosyon niyang sagot.

“W-Wala kang karapatan na paghiwalayin kami. Bakit, Davin?” Matalim ang titig ko sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa sagot niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya. Nanginginig ang palad kong inulit-ulit ang pagsampal sa kanya hanggang sa magsawa ako. Tinanggap niya lang lahat iyon. Nakita ko pinahid niya ang kanyang palad sa dumudugo niyang labi.

“Veronica, listen to me. Mas mainam na maghiwalay kayo para hindi ka magamit ni O-Oliver.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog iyon.

He has a point. Pero wala siyang karapatan.

Masakit na magkahiwalay kami na may hindi pagkakaunawaan. Tumulo na lang ang luha ko sa harap ni Davin.

“N-No, Davin. Kailangang malaman ni Lanz na isa kang traydor. At kailangang malaman ni Lanz na plano mo ang lahat na nakita niya ang ginawa ko kay Farah. Ikaw rin mismo ang nagsabi sa akin na tanggapin ko ang utos ni Lolo Oliver na i-torture si Farah. Wala kang awa sa nobya mo.” Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at mata.

Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Tinalikuran ko siya at hinawakan ang door handle upang lumabas ng sasakyan. Sasabihin ko talaga kay Lanz ang lahat. Pero, hinawakan ni Davin ang aking kamay kaya hindi ako nakalabas.

“You can’t separate us away because I am bonded with him. No one can separate us, even you.” Nanlilisik ang mata kong dinuro siya. “Let me go, Davin!” galit na singhal ko sa kanya.

“Veronica, if you tell Lanz about that. Do you think Lanz will believe you?”

“Of course, he will. He loves me. He trusted me. At sino ang paniwalaan ko? Ikaw na nagsinungaling at niloko ako?” I bit my lower lip to lessen my anger toward him. “So, let me go, Davin.” May diin ang bawat salita ko kaya wala na siyang magawa kundi bitiwan ako.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now