Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                        

“Okay lang din po, Aling Simang,” magalang na sagot ko. “Kumusta na pala ang Alpha?” dagdag na tanong ko.

Umupo muna kaming dalawa sa bench. Napatitig ako kay Aling Simang. May katandaan na siya, hindi pa rin ito nagbabago. Malamig pa rin ang boses.

“Sa palagay ko hindi siya okay. Galit siya at nagwawala tuwing gabi. Hindi na rin siya tumatanggap ng pagkaing binibigay ko. Anong nangyari sa party ng iyong Lolo, hija? Bakit galit na galit itong umuwi? Nasaan si Farah, bakit hindi niya ito kasama pag-uwi?” sunod-sunod na tanong nito, halata sa mukha niya na nag-alala siya sa kanyang mga alaga.

Napaiwas ako nang tingin. Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Naiiyak ako kung maalala ko ang nangyari. Naramdaman kong hinagod niya ang aking likod upang pagaanin ang aking pakiramdam.

“T-The party was a trap. Farah is still in the hand of my grandfather. And Lanz saw how I tortured his sister,” pag-aamin ko.

Akala ko ay palayain niya si Farah pero hindi niya ginawa. Iyong kapamilya ko lang at iyong mga tao na dumalo sa party lang ang pinalaya niya. Gusto niya raw magdusa ang mga McMahon lalong lalo na si Lanz kaya ginamit ako ni Lolo Oliver at si Farah upang saktan ang Alpha.

“Dios ko, hija. Bakit ginawa mong saktan ang alaga ko?” may halong inis at awa ang tuno ng kanyang pananalita.

“Iyon lang ang paraan. Kahit ang kanyang nobyo ay sumang-ayon. Buhay ang nakasalalay sa kamay ko. Because if I won’t torture Farah… my family and the innocent people inside the house will die one by one. If you were in my shoes, what will you do?” I smiled bitterly.

Husgahan mo rin ba ako tulad ng panghuhusga ni Lanz? Gusto ko sanang itanong iyon sa kanya pero hanggang sa isipan ko na lang iyon.

“Patawad, hija…”

Nagulat ako sa pagyakap niya ulit sa akin. She tapped my back. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa.

“… alam kong maayos mo ang gulo sa pamilya niyo at sa pamilya ng McMahon. Alam kong mahal na mahal ka ng Alpha at hindi siya agad magtiwala sa mga nakikita niya. Kapit lang, hija.”

“Salamat, Aling Simang,” nakangiting tugon ko.

Kumalas na siya sa pagkakayap sa akin. “Hija, pumasok ka na sa loob. Nasa loob ang Beta. Mukhang hinihintay niya rin ang pagdating mo dahil kanina pa ito nagpaalam sa Alpha pero hindi pa rin umalis.”

Nasa loob si Davin? At inaasahan niya ang pagdating ko. Ang traydor na iyon.

“Sige po, papasok na ako sa loob.”

“Nasa kwarto ang Alpha, nagkukulong sa kanyang sarili. Puntahan mo rin, hija,” pahabol na wika niya.

Tumango lang ako sa kanya. Bumalik na rin siya sa kanyang ginagawa.

Pumasok na ako sa loob. Tama si Aling Simang naghihintay nga si Davin sa akin. Inis ko siyang tinitigan, kinuyom ko ang aking kamao.

“Veron–”

Hindi ko pinatapos ang kanyang salita dahil nagpakawala ako ng suntok. Saktong tumama sa kanyang panga.

“Wow! Wha–”

“Traydor ka, Davin! Bakit mo iyon nagawa sa akin? Bakit hindi mo man lang pinaliwanag ang lahat kay Lanz? At paano mo nalaman ang pasikot-sikot ng mansion namin?”

Isang sampal ang pinakawalan ko. Tinanggap niya lang din iyong sampal ko. Gigil na gigil talaga ako sa kanya dahil sa kanyang ginawang pagloko sa akin. How dare he! Ako pa ang lumabas na masama sa mga mata ni Lanz. Ako ang lumabas na traydor sa paningin niya.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now