Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                        

“Huli ko na nalaman, apo. Sinabi ni Oliver ang lahat sa akin pagkatapos ng kaarawan niya at pinakita niya rin ang mga records sa akin.”

Tumango-tango ako sa kanya. Kaya pala alam niya dahil si Lolo Oliver mismo ang nagsabi at nagpakita sa records ng hidden camera.

Bigla niya akong niyakap kay niyakap ko rin siya pabalik. “Apo, huwag kang gagawa ng bagay na mapahamak ka. We are inside the cage of Oliver. We can’t run and we can’t hide but we can fight him secretly. So, we need to be careful in our every moves,” bulong niya sa akin.

“Lolo, so, we will pretend that we are allies of Lolo Oliver, right?” bulong na tanong ko.

Kumalas siya at tumango. Hindi pa rin maalis sa mata ko sa kanya. Okay, I got it.

Ngumiti ako at tumango na lang din. Pinisil ko ang palad niya bago ko iyon binitiwan.

“Sige, Lolo. Mauna na ako.” Tumalikod na ako at sumakay na sa sasakyan.

“Mag-ingat ka, apo.”

Bumusina ako bilang tugon. Pinaharurot ko agad ang sasakyan palabas ng compound. Nakita ko sa side mirror na lumabas si Lolo Oliver sa mansion at nilapitan si Lolo Alessandro.

I know it. Magtatanong iyon kung saan ako pupunta dahil hindi ako nagpaalam sa kanya. Wala ako sa mood makipag-usap kay Lolo Oliver dahil kumukulo ang dugo ko kung makita ko siya. Damn, that old man!

Paglabas ko sa gate ng compound ay itinabi ko ang sasakyan. Inusisa ko na baka may tracker ang sasakyan ko. Hindi nga ako nagkamali. Mayroon ngang tracker. Napatawa ako ng mapakla. What a smart old man. Pati ba naman sasakyan ko nilagyan ng tracker.

Hinayaan ko lang iyon hanggang sa makarating ako building ng kompanya ni Daddy. I parked the car at the parking lot.

Bumaba agad ako ng kotse at kinuha ang tracker. Luminga-linga ako upang maghanap ng sasakyan na p’wede kong lagyan. Napangiti ako nang may nakita na akong sasakyan na p’wedeng lagyan. Bago lang paningin ko ang sasakyan na iyon, hindi siya pamilyar. Pasimple akong lumapit doon at sekretong nilagay ang tracker.

Pagkatapos kong mailagay iyon ay bumalik ako sa sasakyan ko. Umalis agad ako doon sa building ng kompanya ni Daddy na kung saan ako nagtatrabaho. Okay naman iyon dahil alam ng aking sekretarya kung ano ang gagawin niya kung wala ako. Pagkatapos kong maligpit ang ginawa ko ay napagdesisyunan kong pumunta ng Bundok ng Lebanese.

Tinahak ko ang daan patungong Lebanese Mountain. May kailangan ako kay Lanz. Bahala na kung anong mangyari dahil gagawin ko ang lahat para lang makausap si Lanz ng maayos.

Dalawang oras ako bago nakarating sa Norte ng Lebanese Mountain na kung nasaan ang bahay ni Lanz. Natagalan ako dahil hindi ako dumaan sa shortcut na daan. Malaki pa naman ang oras kaya okay lang na matagalan ako.

I parked the car outside the gate of McMahon’s mansion. Bago ako bumaba, kinuha ko ang diary ni Lolo Oliver at inilagay iyon sa loob ng bulsa ng leather jacket na suot ko.

Tulad ng dati, ganoon pa rin ang McMahon Mansion. Kung ano ang hitsura bago ako umalis, ganoon pa rin ang hitsura noong bumalik ako. Kusa namang bumukas ang gate. Pero ngayon lalong gumanda ang garden dahil namumulaklak na ang mga bulaklak na itinanim ko noon.

Pumasok na ako sa loob. Nadatnan ko si Aling Simang na naglilinis sa garden. Napatigil ito nang maramdaman niya ako.

“Hija, maraming salamat dahil nandito ka.” Halata sa mukha ni Aling Simang ang tuwa nang makita ako.

“Kumusta ka po?” usisa ko. Niyakap ko siya at gano’n din ang ginawa niya sa akin.

“Okay lang, hija. Ikaw?” balik tanong niya. Dinala niya muna ako sa bench na malapit sa kinatatayuan namin.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now