Pasalamat naman ako dahil hindi niya na ipapatay si Farah. Pero bakit nag-iba ang isip niya?
Nanginginig ang kamay ko na tinanggap ang latigong yari sa pilak. Tumango-tango rin ako bilang sagot sa sinabi ni Lolo Oliver. Hindi ko talaga alam kung ano ang isagot ko na salita. Samo't saring emosyon ang naramdaman ko ngayon at hindi ko matukoy kung ano ang nanaig.
Takot, kaba, inis at galit ang naramdaman ko pero wala akong magawa kundi sundin si Lolo Oliver dahil nangako na ako sa kanya na tulungan ko siya sa paghihiganti. Ang pangako na tumulong sa kanya sa paghihiganti ay wala sa plano namin ni Davin. Kakayanin ko ba ang ganitong kalupitan?
I really don't want to hurt someone. Hindi ko alam na darating ako sa puntong ito. Na gamitin ako ni Lolo Oliver dahil sa paghihiganti niya.
Nang umalis siya ng bansa kasama si Lolo Alessandro ay iba na ang gawi niya. Para itong balisa at palaging nakasalubong ang kilay. Ang Lolo Oliver na nakilala ko simula pa nang bata ako ay palagi akong binigyan ng matamis na ngiti. He's a loving grandfather I know... pero noon pa iyon. Iba na siya ngayon. Ibang-iba na. Napalunok ako nang magtama ulit ang mata namin.
"I need a response, Veronica. Where's your tongue, huh?" Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong salubungin ang titig niya.
"Y-Yes, g-grandfather. I... I will obey you." I replied without looking at him. I don't want to see his demonic eyes that are full of hatred.
"Very good, grandchild. Okay, I will trust you here. Maiwan na kita rito. Be a good girl, sweetie. Obey your grandfather, okay?" His sweet words made my body shiver. I'm shocked when he gave me a hug and a quick kiss on my forehead.
Naalala ko tuwing nagtatampo ako noon, nilalambing niya ako sa kanyang salita at hinalikan ang noo ko. Napawi na 'yong tampo ko. This is what I missed about him.
Hindi ako kumibo o umimik man lang. Nakayuko lang ako. Gusto ko man gantihan ang yakap niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Pumikit ako at hindi ko namalayang tumulo ang luha ko. Hindi ko hahayaang lamunin si Lolo Oliver ng kanyang galit. Kahit ang inis at galit ko sa kanya ay biglang napawi.
I can't control myself anymore. I found myself hugging him back. Through his hugs, I felt that he really love me but there was something hatred in him. And, he can't fight it. He let his hatred and anger control him. I know who he is, I know why he did these terrible things but this is too much.
"I miss this kind of moment, Lolo Oliver. Can we go back to the times that no hatred in your heart? Paghihiganti ba talaga ang solusyon dahil sa mga pinagdadaanan mo, Lolo?" malambing na wika ko. Hinagod-hagod ko pa ang likod niya.
"Hindi mo ba kami mahal? Ipagpatuloy mo pa ba ang paghihiganti mo? Please... stop aiming for revenge, Lolo. Remember, Lolo... we always love you. At hindi namin hahayaang lamunin ka ng kasa-m"
"No way. I... I will..." he paused and removed my hands from him. Lumayo siya sa akin at tumalikod.
"I will... let them go. I will free them, right now." Tuluyan na siyang lumapit sa torch na nakasabit sa dingding.
Nagdiwang ang puso ko nang marinig ko sang sinabi niya. Hahayaan niya nang makalaya ang kanyang mga bihag. I know he was telling me the truth that he will let the innocent people go.
Pinatay ni Lolo Oliver ang liwang ng ilaw sa dingding. Nagbukas naman ang daan na dinaanan namin kanina. Nakakamangha. Iyon lang pala ang gagawin kung lalabas na sa lugar na ito.
"However, do what I've said. Torture the McMahon girl..." Tumigil siya sa pagsasalita at umiling-iling na tumingin sa akin. "I'm sorry, grandchild... I will continue what I've started. My eyes are watching you and my ears are listening to you, Veronica," he said before he entered the door.
He left me dumbfounded. Binitiwan ko ang pilak na latigo, nagbigay naman iyon ng ingay nang tumama sa bato. Hindi ko namalayang napaupo na ako sa malapad na bato na kinatatayuan ko kanina. Sinubsob ko ang aking mukha sa nanginginig at nakayukong tuhod. I'm wrapping my arms on my knees.
Akala ko mapapabago ko ang isip niya. Nakakalungkot isipin na hindi ko mapapabago ang desisyon niya. Why Lolo Oliver? He's a McMahon. Kadugo niya si Lanz at Farah. I already know the truth because I read his diary. Dahil ba talaga sa posisyon na hindi niya nakuha kaya gagawin niya na ang paghihiganti? This is freaking sad.
Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Tumayo ako at inayos ang sarili. Gagawin ko na lang ang sinabi ni Lolo Oliver. Kinuha ko agad ang pilak na latigo na nasa bato.
I wandered my eyes, I also used my ears. Pumikit ako at kinalma ang sarili. Kaya mo ito, Veronica. This is part of a plan.
"Damn you, Oliver! I will kill you if you harm my brother and my boyfriend!" I heard Farah's voice shouting angrily. Sa boses pa lang ni Farah ay nanggigigil na kay Lolo Oliver. Nanginig ang buo kung katawan at dumagundong ang tibok ng dibdib ko. Paano kung mas lalo siyang magagalit sa akin kung makita niya ako? Kakayanin ko ba?
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa malaking bato dahil doon nanggaling ang boses ni Farah. Napasinghap ako nang makita ako ang nasa likod ng malaking bato na nakaharang na akala ko ay dingding iyon. Malapad na espasyo at nasa gitna ay nakasabit sa beam ang kadenang pilak na nakakonekta sa dalawang kamay ni Farah.
I wandered my eyes. Katulad ng kanina ang dingding ay yari sa lupa't bato.
Hinanap ko ang kamerang nakatago sa lugar. Alam ko kung ano ang ibig sabihin sa mga salitang binitiwan ni Lolo Oliver bago umalis sa lugar na ito. May matang nakatitig dito at may tainga siya na marinig niya ang lahat.
Tumingin ako kung saan nakatingin si Farah. Nakatingin siya sa kaliwang bahagi ng dingding kung saan nakasabit ang ilaw na yari sa apoy. Alam kong doon nakalagay ang nakatagong kamera. Farah already figured it out.
Lumingon siya kung saan ako naroon, sa palagay ko naramdaman niya ang presensya ko. Gulat na gulat siya nang makita niya ako. Hindi siguro siya makapaniwala na nandito ako.
"B-Bes... V-Veronica, are you here to save me, right?"
Her voice was full of hope because she thought I'm there to save her. Her eyes were full of tears because she was happy. After all, I am here. However, I am here not to save her. I am here to torture her. Pain hits my heart when I saw her suffering.
Awang-awa ako sa hitsura niya. Gutay-gutay na ang damit nito na nasa tagiliran dulot siguro ng pagpahirap sa kanya. Ang kanyang mukha ay namamaga, lalong-lalo na sa kanyang labi. Pumuputok iyon na pa parang sinampal ng paulit-ulit. Her sweat and blood were mixing in her face. Ang kanyang kamay ay dumudugo na rin, gano'n din ang kanyang braso't binti na may mga maliliit na hiwa. May nakita rin akong hiwa sa kanyang kanang hita. Kitang-kita iyon dahil may slit ang kanyang suot na dress. I pity her. Halos patayin na siya ni Lolo Oliver.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mata ko. I let out a deep sigh before I cut my gaze to her. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin dahil naawa ako. Gusto ko siyang tulungan na makalabas dito pero mukhang wala kaming takas. Hindi ko gamay ang lugar na ito.
Bahala na, Veronica. Stick to the plan. I said to my mind.
"Save you? Why would I save you? Give me a reason." I laughed that made her shock. "Do you see this?" Tinaas ko ang kamay ko na may hawak na latigong pilak. Sa puntong ito ay matalim na ang titig ko sa kanya.
"N-No, y-you can't do this to me." Umiling-iling pa siya na para bang hindi makapaniwala at pilit na pumiglas sa pagkakatali.
"Well, I can do it." Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti. Naramdaman kong natatakot siya sa akin.
"W-What? N-No! Y-You are my b-best friend, Veronica. W-We hang out, w-we love each other." She reasoned out.
"B-Best friend, huh? Best friend ba talaga ang turing mo sa akin o taga-kalma lang ng kapatid mo? Siniraan mo nga ako sa aking ama, best friend din ba ang tawag mo doon? Nagpanggap ka pang okay tayo bago ako umalis sa mansion pero sa loob-loob pala ng puso't isip mo ay galit ka sa aking pamilya." I smirked.
"I-I'm sorry, Veronica... that was-I'm sorry, please... save-me."
"Farah. I am here to torture you not to save you..." I whispered coldly.
* * *
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Six
Start from the beginning
