"Oo. Masungit nga iyon eh, lagi pang inuutusan ang ibang maids dito kaya naiinis si JV sa kanya"

Natawa naman ako, atleast alam kong hindi lang ako ang nakakakita sa ugali niyang iyan.

"Huwag kang mag-alala, sigurado akong ikaw lang ang mahal niyang alaga ko"

"May sakit ka ba iha? Namumula ka"

Wala naman po, yung huli niyo po kasing sinabi nakakaano.

Hanggang sa mismong pintuan ginabayan niya ko. Naghilamos lang ako ng mukha, baka sakaling mawala ang pamumula ko.

Bakit ba kasi niya akong sinasabihan ng salitang iyon ng biglaan!

Oo na, overacting ako pero sobrang malaking bagay sa akin iyon. Mahal ko siya pero hindi ko alam kung paano sabihin iyon.

Nang makalabas na ako, nandito pa rin pala si Ate Moni. Matanda na siya pero malakas pa. Kasing edad rin siguro ito ni Ate Mina ang katulong namin.

"Nandoon na pala ang mga kasama ninyo"

Sinundan ko siyang pumunta sa sala. Nagkukwentuhan lang naman sila.

"Ang tagal mo? Kinuwentuhan ka ba ni Ate Moni?" lumingon siya kay ate Moni. Tumatawa ito.

"Ah oo"

"Ate Moni naman?" tila nagtatanong siya kung anong sinabi nito sa akin.

"Nagtanong lang naman ako kung sino ang mga pumupunta dito"

Kumuha ako ng chips sa mesa, may kanya-kanyang ginawagawa ang apat kaya hindi nila kami pinansin.

"Si Eunice lang tapos hindi ko naman siya pinapansin kaya wag ka nang magalit"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit ang dalawa rin niyang kamay.

"Kailan ba ang huli niyang pagpunta dito?"

"Hindi ko alam, wala naman kasi akong pakialam sa kanya" he nodded.

"Good" pagpuri ko.

Tumingin ako sa apat na abala sa pag-uusap na diko alam kung ano ba. "Simulan na kaya natin?"

"Ay oonga. Gusto ko ding umikot dito" same vibe talaga kami ni Iza kaya nagkakasundo kami.

Niyaya kami ni Vaughn na umakyat papunta sa isang silid na kung saan nakalagay ang printer at ano-ano pang maaring gamitin sa pagaaral. In short. Library ito.

Mahaba ang hallway ng taas nila. Marami ring kwarto gaya nang sa amin, di hamak na mas malaki tong sakanila.

Ibang klase ang bahay nila, pati ang mga aso ay may sariling kwarto. 'Mommy Kitkat'

"Ang cute naman nung asong iyon" tinuro ko ang isang tuta na pagala-gala dito sa taas.

Isa siyang maliit na husky. Kulay brown ito.

"Gusto mo? Dalhin natin doon" agad namang kinuha ni Vaughn para ibigay sa akin.

Nakasuot itong diaper kaya mukhang baby talaga.

Binuksan ni Gab ang isang silid kung nasaan ang mga aso, may apat pang maliliit doon na kamukha nitong hawak ko.

"Hala ang dami" dali-dali akong lumapit sa kanila.

Sinalubong ako ng apat na iyon, may kulay itim rin. Ang lulusog nila grabe ang harot.

"Sige na, dalhin mo na yan sa library para matapos na natin ang gagawin" si Gab ang may sabi. Ang saya naman.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now