Dating Tayo

122 0 0
                                    


'Yung dating masaya pa ,
'Yung dating walang sakit na nadarama,
'Yung dating tayo na ngayon wala na,
Naglaho na parang bula na lang bigla.

Masaya naman tayo noong simula,
Maayos ang pagmamahalan natin noong umpisa,
Bakit nagbago? Bakit nawala?
Bakit nasayang pagmamahalang binuo nating dalawa?

Nasaan na 'yong dating saya,
Nasaan na 'yong dating ngiti tuwing tayo'y nagkikita?
Bakit tila nabura na ang 'ako' sa iyong sistema?
Napagod ka na ba? O nagsawa na lang bigla.

'Yung dating tayo na hindi natutulog ng magkalit,
'Yung dating tayo na hindi naghihiwalay kahit saglit,
Bakit nagkanoon ang nangyari?
Saan ba nagkulang hindi ko na mawari.

Tila paulit-ulit mong niyuyurakan ang aking puso,
Sa tuwing ngumingiti ka't sumasaya sa biro ng iba,
Ngunit bakit saakin 'kay hirap itong ipakita,
Nagbago ka nga ba o sadyang pagmamahal mo'y naglaho na.

Dating tayo'y masaya,
Dating tayo'y laging magkasama,
Ngayo'y inuumpisahan na maging maayos mag-isa,
Sana lang sa desisyon mo'y wala kang pagsisihang iba.

PoemsWhere stories live. Discover now