Tula #6

329 1 0
                                    

Gagawa ng tula
Na ikaw ang laman ng bawat salita,
bawat nais sabihin
isusulat sa hangin
hahayaang liparin,
tangayin
dalhin sa iyong paningin.

Ginoo,
mula sa umpisa,
hanggang maari sana'y
hanggang dulo
sana'y ikaw pa rin at ako
ikaw pa rin kahit hindi na ako.

Makita sa mga mata,
sakit at pagkasaya
nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo
binuhay mo ang natutulog na ligaya ko.

Sana'y kapag nagkita,
mahawakan ka na sinta,
sana'y kapag nayakap na kita
'wag na 'wag kang bibitiw sinta.

Ikaw sa aki'y mahalaga,
ikaw sa aki'y nag-iisa.
Sa libo-libong tao sa mundo
Sa'yo lamang tumibok ng ganito ang puso ko.

PoemsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ