Hanggang Kaibigan Lang

115 1 0
                                    


May mga bagay na hindi nararapat ilampas sa limitasyong nakasaad,
Iyo naman itong mawawari kung nararapat ba at sapat,
Kung hanggang saan na lang ba ang mga bagay - bagay,
Huwag nang umasa pang mga ninanais ay makukuha.

Isipin mo na lang na ang isang ito'y tulad ng pagkakaibigan,
Na sa isang pahina ng istorya'y mayroong isang nagmamahal,
Iisiping mabuti kung tama bang ipangalandakan,
O mas pipiliing sarilinin na lamang?

Pilit i-analisa, tama ba ang gagawin?
Hindi ba masisira ang pagkaibigan nabuo na rin?
Hindi mo maiintindihan kung iyo lamang iisipin,
Ngunit hindi rin yata tamang basta na lang itong sabihin.

May mga bagay na mas maaaring huwag nang ilampas sa limitasyon,
Mas maganda ang kahihinatnan, siguro kung nagkataon,
Kung ika'y nais niya rin tulad ng pagkanais mo,
Tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para sa inyo.

Kaya't sa ngayon hanggang dito na lang muna,
Pagkakaibigan na lang ang ialay sa isa't - isa,
Hindi sa dahil hindi ka mahal ng isa,
Kundi dahil ito kasing lebel ng iyong ninanais na makuha.

PoemsWhere stories live. Discover now