꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє

Start from the beginning
                                    

Sandali kaming nagkatitigan bago ako ngumiti at umiling sa kanya. Humakbang ako ng dalawang beses palapit sa ginoo na patuloy pa ring nakangiti sa akin.

"Ngayong nagkatagpo tayong muli ay maaari ko na bang malaman ang ngalan ng ginoo'ng mapangahas na umus-os dito ng walang pasintabi?" nanunukso kong tanong sa kanya.

Umus-os : Slip

Nakarating sa pandinig ko ang himpil niyang halikhik na nakapagpa-ismid sa akin. Patuloy ko lang siyang tinitigan upang iparating na kahit nagbibiruan kami'y seryoso ako sa aking katanungan.

"Marahil ay sinadya ng tadhanang pagtagpuin tayong muli ngayon sa ilalim ng maningning na perlas na buwan. Subalit pakiwari ko'y hindi pa ito ang pagkakataon na mapagtanto mo, señora, ang aking pangalan," ang ginoo ay huminto upang tumitig sa kalangitan, "Sa ating ikatlong pagkikita, saksi ang buwan at ang mga tala, ako'y dudulog sa iyong harapan tangan ang aking ngalan."

Ang aking ngiti ay maaari nang pagsabitan dahil sa sobrang kurba nito. Kapwa kami umiling at bumungisngis. Ako'y nagkibit-balikat at tumingin na lamang sa buwang tinatahak na ang kanyang daan tungo sa rurok ng kalangitan.

"Patuloy akong magpapanggap na hindi nagwawari sa iyong pagkakakilanlan. Ngunit, ginoo, ang susunod ko tanong ay marapat mo lamang na sagutin ng tapatan," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Naramdaman kong gumalaw siya at tila ginaya ang aking pagtanaw sa buwan. Hinintay ko siyang tumugon ngunit ilang segundo na ang lumilipas ay hindi umiimik ang ginoo.

"Paano ka nakarating dito sa bahay-tuluyan? Bagamat aking ramdam na wala kang masamang intensyon ay hindi ibig sabihin noo'y maaari ko nang palampasin ang panghihimasok mo rito ng walang paalam," seryoso at malalim kong saad sa kanya.

Narinig ko ang malalim at mabigat na pagpapakawala niya ng hininga. Dala-dala nito ang daan-daang balakid na para bang kahit ang hangin ay nahihirapan itong tangayin.

"Kami'y nagkasalubong ng aking tío sa lansangan at kalauna'y isinama sa kanyang patutunguan. Subalit ako'y may pag-aalinlangang makaharap ang aking tía sa kadahilanang hindi ko ibig mapag-usapan," ang ditiyak na pahayag ng ginoo.

Bahagya namang kumunot ang aking noo at nagtataka siyang nilingon. Naramdaman ng ginoo ang aking pagtitig kaya sinalubong niya ang tingin ko.

"Nababatid ko ang pakay ng aking tía sa pagpapapunta niya sa akin dito sa Filipinas, señora. Ibig niyang ipakasal sa akin ang isang binibini na may iba nang katipan. Ayokong maging sanhi ng kanilang kasawian," malungkot na dugtong ng ginoo sa una niyang sinabi.

"Ginoo..." ang tangi kong naisambit sa kanya.

Bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang nakaraang ibig kong kalimutan. Kung paano kami dumating sa Japan ng aking kapatid. Kung gaano katutol ang aking ama sa relasyon namin ni Yuan. Kung paano ko nakilala si Fujiwara Seiji. At kung gaano kasahol ang pagtatangka niyang gawin sa akin.

Sumikip ang aking dibdib dahil sa kahila-hilakbot na alaalang iyon.

"Nababatid ko, señora, na hindi mo ito nahihinuha ng lubusan. Ika'y musmos pa lamang sa ganitong damdamin. Ang sinabi ko'y ipagsawalang bahala mo na lamang sana at huwag mo na itong bagabagin pa," ang pagtuldok niya sa paksang siya naman ang unang nagbukas.

"Hindi, ginoo. Nalalaman ko ang iyong ipinaparating. Sapagkat ako'y taong umiibig din," madiing giit ko sa kanyang tinuran.

Hindi ko alam kung may kagulat-gulat ba sa aking nabanggit ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paninigas ng kanyang mga balikat. Ang ginoo ay tila ba nagulantang sa narinig at nagugulumihang tumitig sa aking mata.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now