꧁ ıı | ɖơʂ

3.1K 413 816
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Our romantic journey began then. Where our story ends is a mystery to me. Are we in the ascending action now? Or still at the peak?

Although I may be mistaken in many things, I am sure Yuan is the only male protagonist in our tale.

We arrived at NAIA Terminal 2 shortly after 9:15 AM. Since we have things back home in Japan, each of us only has one suitcase.

"Huwag mo 'ko masyadong ma-miss, moo. Baka 'di ko mapigilan at sundan kita roon," pagbibiro ni Yuan nang matapos niyang ibaba ang maleta ko. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

I turned his cheek slightly and squeezed it while saying, "I will not make unfulfilled promises, moo."

Hinapit niya bigla ang aking baywang. Napabitaw tuloy ako sa pisngi ni Yuan na ikinangisi naman niya.

"Huwag mo akong kakalimutan, papakasalan pa kita," bilin ni Yuan habang pinagdidikit ang aming mga ilong. Ngumiti kami sa isa't isa at niyakap ko siya.

"Paano kita makakalimutan, e nakatatak ka sa puso't isipan ko," bulong ko kay Yuan bago saglit halikan ang leeg niya.

Naramdaman kong nabigla siya sa aking ginawa. Kaya agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at mabilis na tumakas.

Alam kong babawi si Yuan nang matindi kung mananatili pa ako sa tabi niya. Hindi ko yata kakayanin 'yon lalo pa't aalis kami.

Sinamahan ko ang aking kapatid na kausap naman ang aking kaibigan.

"Pakisabi na lang kay Tita Ana na kinukumusta ko siya," rinig kong bilin ni Roanne kay Kuya Levy. Ngumiti't tumango naman ang kapatid ko bago siya bumaling sa akin.

"Tapos na kayo sa paglalandian n'yo?" tanong ng aking kapatid na hindi ko alam kung seryoso ba o nanunukso lang.

Ngumiti lang ako sa kanila at tumabi kay Kuya Levy. Lumapit na rin sa amin si Yuan na bahagyang namumula ang tainga.

"Beshie, huwag mo kalimutan 'yong request ko sa 'yo, ihaehani?" bilin ni Roanne na gumamit pa ng ibang language.

"Roanne, Japan pupuntahan nila, hindi South Korea," pagkaklaro ni Yuan sa kaibigan namin. Siniko naman siya ni Roanne sa tagiliran.

Mamimiss ko 'tong dalawang 'to.

After bidding our friends farewell, Kuya Levy and I were heading to the airport to get ready for our flight. We exchanged a smile, and I turned my back on Yuan to go on foot with my brother.

Hindi pa kami nakakalayo nang maramdaman kong may humawak sa aking kaliwang kamay.

It was Yuan. He's kissing my ring, which he gave me a year ago, rather than my hand.

"Kaluguran daka, moo," sabi niya sa akin at ngumiti.

Ngumiti rin ako sa kanya at sinabing, "Gihigugma ko ikaw, moo."

Then we slowly let our hands slip away.

Lumipas ang halos kalahating oras bago tinawag ang aming flight number.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon