꧁ ҳı | ơŋƈє

2.4K 232 160
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Binibining Mirasol..." tawag niya sa akin.

Agad kong isinilid sa loob ng aking mahabang manggas ang libro at ikinalma ang sarili.

"Heneral Juan Vicente," nakangiting tugon sa pagharap ko sa kanya.

Kasunod niya 'yung taga-bantay na may bitbit na isang bagay. Ito'y nakabalot sa puting tela na halatang iniingatan dahil walang bahid ng dumi. Lumapit ako sa heneral at tinignan ang dala ng taga-bantay.

"Anong nilalaman ng telang iyon?" pag-uusisa ko kay Juan Vicente.

Gumilid siya sa akin upang mas makita ko ang taga-bantay. Saka ibinaling ng heneral ang kanyang ulo sa direksyon nito.

"Napansin ko ang pagkislap ng iyong maririkit na mata sa tuwing dumadapo ang iyong tingin sa mga aklat. Kaya naman hiningi ko ang kanyang mungkahi sa kung anong magandang pamagat ang masisiyahan mong basahin." Paliwanag ni Juan Vicente at saka sandaling hinawakan ang balikat ng aming kasama.

"Ito nga pala si Ta Karyo. Ang nakababatang kapatid ng may-ari ng aklatang ito," pagpapakilala niya sa taga-bantay na siya namang ngumiti sa akin.

"Ikinagagalak ko kayong makilala. Ako po si Mirasol," pagpapakilala ko pagkatapos ay nagmano.

Narinig ko ang pagtawa ni Ta Karyo. Tinapik-tapik ang balikat ni Juan Vicente gamit ang kanang kamay sapagkat sapo-sapo ng kaliwa niyang kamay ang nakabalot na putting tela.

"Tunay ngang nakakahalina ang iyong kasintahan, heneral. Ito ang unang beses na nagsama ka rito ng isang dilag," masayang papuri ni Ta Karyo sa amin.

Nagkatinginan kami ni Juan Vicente at alanganin akong tumawa. Kinuha ko mula sa kamay ni Ta Karyo ang bitbit niya.

"Nagkakamali po kayo, Ta Karyo," nakangiti kong pagkaklaro sa kanya.

Kinuha naman mula sa akin ni Juan Vicente ang mga libro at siya ang nagbitbit.

Hindi na tumugon si Ta Karyo sa aking pagtanggi ngunit halata ko sa kanyang ngiti na hindi niya ako pinaniniwalaan. Pasimple naman akong sumulyap sa heneral upang alamin ang kanyang tauli ngunit seryoso pa rin ang mukha nito.

Tauli : Reaction

"Mauuna na po kami, Ta Karyo. Sapagkat nagsisimula nang dumilim ang kalangitan," pamamaalam ni Juan Vicente bago niya kunin ang kaliwang pulso ko at maglakad.

Paglabas ay matingkad na kahel ngang kalangitan ang sumalubong sa amin. Sa tingin ko'y alas-kuwarto y media hanggang alas-singko na ng hapon.

"Babalik na ba tayo sa simbahan?" tanong ko kay Juan Vicente nang tahakin namin pabalik ang aming dinaanan kanina.

"Hindi," tipid niyang sagot.

Hindi rin nagtagal ay lumiko kami sa isang maliit na eskinita na ang lapad ay sakto lamang para sa dalawang tao. Halos isang minuto rin naming binaybay ang kahabaan nito hanggang sa bumungad sa amin ang isang malaking liwasan. Nasa gilid ang iba't ibang tindahan ng pagkain habang may mga lamesa't upuang bato sa pusod nito. Sa bandang dulo ay may malawak na parang kung saan maaaring mag-piknik.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now