Chapter 09

0 0 0
                                    

Chapter 09

Romantic Movies

Pumasok na ako sa loob ng classroom namin at hindi na naman bago sa'kin ang pagtawanan ako kaya nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad papuntang upuan ko.

"Look at her hair guys."

"Oh...my...god."

"Gurl! Tignan mo! She's the worsest of all the worsest!"

"I know right"

"Oo nga! Look at her hair! Mas masyado siyang naging pangit!"

Rinig kong mga bulong nila at meron pang mga bulong na tumatawa.

"Hahahaha she deserves it!"

"Right! Kasi dumidikit-dikit pa siya sa kila Vince and Dennis eh!"

"Tama lang 'yung ginawa mo sa kanya! Nararapat lang talaga sa kanyang madikitan ng bubble gum."

Nilingon ko ang bumulong ng naroon. Ahh, so sila pala ang nagdikit ng bubble gum sa buhok ko. Inirapan naman nila ako tsaka iniwasan ng tingin.

Nagpatay malisya nalang ako na hindi ko narinig ang kanilang bulong kesa naman patulan ko pa ang mga pinagsasabi nila.

Just a waste of time.

Pumasok sila Vince at Dennis pero hindi nila napansin ang buhok ko dahil nasa likuran ako nila.

"Hi!" "Hello!" Sabay na sabi ng dalawa at sabay din silang nagkatinginan at nagkasamaan ng tingin.

Kumaway lang ako sa kanilang dalawa at tumango. May nagbulungan na naman pero hindi ko na iyon pinansin. Not my business anymore!

Biyernes ngayon kaya wala akong gana dibdibin ang kanilang mga sinasabi.

Humarap si Dennis sa'kin. Nakita siguro iyon ni Vince kaya humarap din siya sa'kin.

"Pai bukas ha?" Pagpapaalala ni Dennis sa'kin sabay kindat.

Tumango lang ako sabay ngiti. Oo nga pala, may pupuntahan kami bukas at uuwi din ako saamin bukas.

Uunahin ko nalang ang pupuntahan namin nina Dennis at Vince tutal wala naman akong gagawin sa bahay.

Buong araw sa school ay walang ibang ginawa kung hindi discuss, test, quizzes.

Tapos na ang last subject namin kaya tumayo na ako pagkatapos kong magligpit ng gamit.

*Beep*

Inilabas ko ang Nokia at binasa ang text.

1 unread message.

Callan:

Meet me in hallway.

Hallway? Bakit? Anong meron.

Me:

Bakit?

Callan:

Syempre, you'll give me back my jacket.

Oh shoot! Ang jacket! Naiwan ko sa apartment! Hindi ko nadala at hindi ko pa nalalabhan! Patay, anong sasabihin ko?

Callan:

Reply, your class ends at 5:00 P.M. Where are you? I'm waiting.

Nakalimutan kong mainitin nga pala ang ulo nitong taong ito kaya nagreply ako agad.

Me:

Sorry Callan ha? Hindi ko kasi nadala ang jacket mo at hindi ko pa rin nalalabhan. Pasensya na. Pupwede namang hindi muna tayo ngayon magkita diba?

Opposite LivesWhere stories live. Discover now