Chapter 05

0 0 0
                                    

Chapter 05

Paghatid sa apartment

"Tara na Pai." Aniya sabay alalay sa akin papalabas sa school.

"Vince, okay lang naman ako, hindi na kailangang magpaalalay." Pagtanggi ko.

"Hindi, I insist Pai. Kaya ko rin namang alalayan ka. I am doing this whole-heartedly kaya huwag ka nang mag reklamo diyan." Mahabang aniya. Napabuntong hininga nalang ko sa inasta niya at sumang-ayon nalang din sa kagustuhan niya.

Hindi naman talaga kailangang dapat alalayan pa ako. Kaya ko na naman ang sarili ko. Nakainom na ako nang gamot kanina, kaya walang dapat ipag-alala.

"Ahh Pai, ang weird talag 'nung pamangkin ni Ma'am Llacuna ano?" Pagbubukas niya ng topic.

"Oo nga 'e." Mahabang-mahabang-mahabang sagot ko at pagkatapos 'non....katahimikan.

Naaninag ko na ang apartment na tinutuluyan ko kaya nagpaalam na ako kay Vince.

"Vince, salamat sa paghatid. Dito lang kasi ako. Promise babawi ako." Pagputol ko sa katahimikan at pagpapaalam.

"Ha? Dito ka na? Where's your house ba? Is it here?" Tanong niya habang lumilinga sa paligid.

"Doon lang ang apartment ko, Vince." Turo ko sa kanya sa apartment at humalakhak.

"Ahh." Sabi niya sabay kamot sa batok niya. "I'm sorry, pero ihahatid na kita patungo roon." Pagsuggest niya.

"Huwag na Vince, ayos na ako dito." Pagtanggi ko. Nakakahiya, siya na nga ang nag-alaga sa akin kanina, siya pa ang naghatid sa akin dito sa apartment.

"Ha? I suggest ihatid na kita don Pyra, pero okay lang din kung dito nalang ako-"

"Oo na, sige na." Pagputol ko sa pagpapaawa niya sa akin. "Tara na." Aya ko at humagikhik nalang siya sa tabi ko.

"Sabi ko na nga ba eh, effective." Bulong niya.

"Ano?" Tanong ko at sabay kaming natawa.

Naglakad at inalalayan niya parin ako. Tss Vince talaga hindi pa naman ako baldado.

Napatigil na kami ni Vince nang nasa tapat na kami ng apartment ko.

"Ahh Vince, salamat sa paghatid sakin dito ah?" Pagsasalamat ko sa kanya.

"Its my pleasure Pai." Sabi niya sabay ngiti na parang aso kung ngumiti.

"Lakad ka na malapit nang gumabi. Ingat ka sa paglakbay mo at salamat pala sa paghatid sakin. Promise babawi ako." Sabi ko habang nakangiti.

"Naku Pai, walang anuman yun and no need to worry about me, i can handle myself."

"Sige, punta na ako sa loob." Yun lang at pumasok na ako sa loob. Nakita ko siyang nakatalikod at nagsimula nang maglakad.

"Pamangkiiiiinnn!!!!!" Napasigaw ako dahil sa pahkabigla. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Tita Ai.

"Ay Tita ikaw pala yan."

Opposite LivesWhere stories live. Discover now