Chapter 03

0 0 0
                                    

A/N. Wow! 3 chapters in a day HAHAHAHAHA. Bilib na naman ako sa sarili ko. BTW, i will only publish my story if and only if pag may load na ang wifi nila mommy, nakikiconnect lang kasi ako sa silingan. Unsa bani oy, maka taod lang kog wifi diria sa balay, everyday gayud ko mag update ba. Ug Hi diay sa mga readers nako na bisaya charot! Anyway, Happy Reading!

Chapter 03

Strange Girl

"Good afternoon po tita." Bati ko sabay halik sa kanyang pisngi.

"Magandang hapon, maganda kong pamangkin." Sabi niya habang nagkakalikot ng pera.

Siya si Tita Aira o Tita Ai, ang kaisa-isahang maaasahang kapatid ni Mama Yra. SINGLE at ready to MINGLE. Mahaba ang pilik-mata, may mapi-pink na labi, brown hair at brown eyes. Maganda si Tita Aira pero syempre mas maganda Mama ko.

"Ah sige po Tita, magluluto pa po kasi ako, 'e" pagpapaalam ko sana sa kanya.

"Ay naku, Pyra, dito ka nalang kumain sa loob dahil may inihatid ditong pagkain!" Pagpigil niya. "Hay nako, ang gwapo-gwapo niya talagang pagmasdan kahit nasa malayo na siya." Pagde-daydream ni Tita.

"Aysus si Tita, kumekeme-keme na naman. Baka mamaya, may lason pa itong pagkain natin Tita ah" biro ko sabay tawa.

"Ikaw talaga Pai! Wala 'no! Mukha naman kasi siyang mapagkakatiwalaan hihihi!" Kinikilig na asta niya. Si Tita talaga, kahit kailan gumagana na naman 'yung kapabebehan niya.

"Tita naman, lahat ng tao dito sa Pilipinas ay mukha talagang mapagkakatiwalaan, sa huli naman ay lalabas ang kanilang mabahong sekretong itinatago."
-.- sabi ko.

"Ikaw naman Pai, ginagamitan mo na naman itong Tita mo sa mga matalinghagang salita mo." Sabi niya at tumawa nalang ako. "Oh siya, siya, kumain ka nalang diyan at maraming pagkain dito sa loob" pag-aaya ni Tita.

Wala na akong magawa sa pagpilit ni Tita Ai sa'kin dahil masyadong mapilit talagang tao si Tita.

"Kamusta na pala kayo ni Philip, Pai? Hindi ka pa rin ba niya kinikibo?" Tanong ni Tita, napatikhim ako.

"Ahm, hindi pa rin Tita 'e. Parang sobra talaga ang pagtatampo ni Papa sa'kin." Sagot ko, nahihiya.

"Hay naku Pai. Pagpasensyahan mo na iyang Papa mo, ganyan talaga 'yan magtampo." sabi ni Tita sabay lapag ng kakainit lang niyang sabaw na baboy. "Naaalala ko pa nga, noong mag nobyo't nobya pa iyang mga magulang mo. Ay naku! Mag-aaway at talagang hindi pinapansin ni Philip itong kapatid kong maganda, kaya ikaw Pai, habaan mo ang pasensya mo sa Papa mong matampohin ha?" Aniya, tumango lang ako bilang pagsang-ayon. "Oh heto kain na."

"Salamat po Tita."

"Walang anuman 'yun pamangkin."

Nagsimula na akong kumain at tinignan si Tita, maganda talagang tignan ni Tita 'yung tipong hindi ka magsasawa sa taglay niya, ganyan kaganda si Tita.

"Pai? Pinag-uusapan ka parin ba sa school niyo?" Tanong ni Tita habang nakakunot ang noo, ang ganda talaga.

"Ahh" ayaw ko pa naman magsinungaling. "Opo Tita 'e." Nahihiyang sabi ko.

"Ay naku Pai, buti nalang hindi ka nila binubugbog, naku kung bubugbogin ka na nila? Magsusumbong na talaga ako sa dean ninyo." Aniya.

Opposite LivesWhere stories live. Discover now