Chapter 04

0 0 0
                                    

Chapter 04

Vince

"My name is-"

*tok*
*tok*
*tok*

Napabaling ang atensyon namin sa kumatok ng pintuan at hinintay na may pumasok.

"You may come in." Pagpapapasok ng estudyanteng babae na hindi parin namin alam ang pangalan.

"Thank you" Sabi ng may baritonong boses sa likod ng pintuan, nakakapanindig balahibo ang boses niya, malamig na malamig.

Hinintay talaga namin ang pagbukas ng pintuan pero walang bumukas nito kaya pumunta 'yung estudyante sa labas ng pinto at sinilip ang tao 'ron.

Sinundan namin ng tingin ang paglakad niya patungong teacher's table at tumingin sa amin habang umiiling.

"There's no tao outside the door." Sabi niya na may pagka slang ang salitang 'tao'.

Bagong lipat nga.

"Hala ate! Baka multo na 'yon!"
"Oo nga! Baka hindi talaga tao 'yun!"

At iba pang mga sigawan at hiyawan ang narinig ko, nanatili lang akong tahimik sa upuan ko.

"Guys, chill, tao 'yun, i'm sure, he's my classmate tho." Sabi niya na slang pa 'rin ang 'tao 'yun', nakahalukipkip, tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"So guys, here's the seatwork that Ma'am Llacuna have left. She said na you will photocopy it and collect 3 pesos for this." 'Yun lang at humakbang patungong labas.

"Wait! Miss!" Tawag ni Carlo. Napatingin naman sa kan'ya ang buong klase.

Tss, papansin.

"Name?" Tanong ni Carlo, hindi talaga siya nagsasawa kakatanong kung anong pangalan ng estudyante.

Nakita kong natigilan ang babae at tumingin ng seryoso kang Carlo.

"It doesn't matter anymore." 'Yun lang at biglang nawala sa isang iglap lang.

"Weird naman 'nung pamangkin ni Ma'am Llacuna"
"Sinabi mo pa gurl, sa tindig pa nito nagsasabing 'I'm weird'" at nagtatawanan pa sila.

Kunuha nalang ako ng pera sa bag ko at iniabot sa treasurer namin nang may biglang sumulpot.

"Huwag na Pai, sagot ko na 'to" Napaigtad ako sa gulat dahil sa boses ng lalaking nasa likod ko.

Lumingon ako, Vince.

"Ay nako, Vince huwag na nakakahiya, may pera naman ako, hindi pa naman namumulubi." sagot ko at sabay kaming natawa.

"Oh really? Hindi pa 'namumulubi'? Pulubi ka naman talaga 'e, noon paman. At hindi magbabago 'yun." Bigla namang singit ni Macey sa gilid ko.

Natigilan ako 'tsaka yumuko sa kahihiyan.

Totoo nga pala talaga ang sinasabi nila na ang kapalit ng isang tawa ay isang kahihiyan.

"Macey! Ano ka ba? Sino ka ba para sabihan ng ganyan si Pyra?" Galit na tanong ni Vince kay Macey.

"Vince." Tumingala ako para makita ko siya at umiling. "Huwag mo nang intindihin, ayos lang. Ako na ang magbabayad sa'kin. Salamat sa malasakit." Sabi ko sakan'ya sabay ngiti.

Opposite LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon