Chapter 02

0 0 0
                                    

Chapter 02

Cafeteria

Umupo ako sa dulo, 'yung table na walang masyadong tao ang nakakakita. Pinili ko talaga 'tong lamesang 'to para makaiwas sa mga bulong-bulongan.

Inilapag ko lang ang mga gamit ko doon at pumunta na sa counter.

As expected, marami na namang bulung-bulongan tungkol sa'kin. Kulang nalang talaga, iisipin ko na sikat ako dito.

"Ano sa'yo?" Tanong ng tinderang nakataas and kilay na parang nakakatusok.

Pumipili pa lang ako nang sigawan niya ako.

Hays, hindi na naman talaga bago sa'kin to e. Paulit-ulit nalang.

"Hoy hija anong tinatanga-tanga mo diyan? Bilisan mo! Andaming mga estudyanteng pumipila dito o! Bilis!" Malditang aniya.

"Oo nga"
"Bilisan mo naman diyan!"
"Ano ba yan so mabagal."

"Ah sorry ho, ano lang ho sa'kin. Isang bihon atsaka isang kapayas lang ho." Ako.

"Ay jusko, 'yan lang pala bibilhin mo napakabagal ka pa naman pumili. O sya, oo nai-stress na ako saiyo bata ka." Sabi ng Tindera sabay bigay sa'kin nang isang bihon at isang kapayas na may suka at asin.

"Salamat po aling." Sabi ko at kumaripas na ng takbo papuntang table ko.

"Anong- Hoy! Anong aling!" Dinig ko pang sigaw niya.

Jusko, sorry po kung nagkasala man ako nang napakalaki. Nawa'y ako'y iyong patawarin.

Napa sign of the cross nalang ako dahil sa kabalastugan ko.

Nasa akto na akong susubo ng bihon nang may nagsalita sa likuran ko.

"Oohhh what do we have here? Am i seeing you doing sign of the cross before eating that....that bihon shit and papaya? Gosh! What a dugyot!" Panlalait ni Macey.

"Oo nga, so gross." Sang-ayon naman ni Daniz.

Ha! Hanggang dito ba naman magkasabay parin sila? At tinawag pa talaga nilang shit ang bihon!

"Ew! Bihon! How did you eat that thing? The taste is so gross! And ugh! I think they mixed a liver in there yuck!" Komento pa ni Daniz sa pagkain ko.

E' ano naman kung may "liver" sa pagkain ko? Ang sarap kaya 'nun, ito ang nagpapalasa sa bihon. Sa bagay, pang mayaman lang ang mga kinakain nila, hindi nila naranasan kumain nang mga pagkaing normal.

"Oh Daniz, you remembered? She aced the Science kanina! Gosh! Napaka walanghiya talagang babaeng 'yan, akala mo naman kung sino, isa lang palang dugyot na nanggaling sa walang kayang pamilya." Panlalait na naman ni Macey sa'kin.

At di lang 'yun, harap-harapan pa ah. Sige lang, ipagpaliban ko lang muna ang mga bully nila sa'kin. Mga wala lang naman silang magawa sa buhay nila.

'Kalma Pai. Kalma. Mag focus sa skwela. Wag magpapaapi sa mga katulad nila. Tao din sila Pai. Tahan na.' Sabi ko sa sarili ko sa isip.

Bumalik nalang ako sa room at dito nalang kumain. Buti pa dito, makakakain ako ng maayos.

Nandito ang iba kong kaklaseng naglalaro nang ano ba tawag 'nyan? Basta online games na nilalaro nila sa cellphone nila.

Opposite LivesWhere stories live. Discover now