Chapter 01

2 0 0
                                    

Chapter 01

Science

*tok* *tok* *tok*

Tatlong magkasunod-sunod na katok ang gumising sa akin.

"Anak? Gising na, oras na para makapaghanda ka na papuntang apartment mo."

"Opo ma, gising na po." Sagot ko kay mama sabay hikab. Tapos pumunta sa banyo para makapagligo na.

"Magandang umaga maganda kong ina." Bati ko sa nanay ko na mas maganda pa sa sikat ng araw.

"Magandang umaga din anak kong bolero" sabi ni mama at sabay kaming natawa dahil sa kanyang sinabi.

Si mama talaga, ganito palagi ang umaga namin kapag maganda ang mood.

"Ma? Kamusta po ang pag-aaral ni Phyra? Ayos lang naman ba?" Tanong ko kay nanay tungkol sa kapatid ko habang sumusubo ng kanin.

"Ay oo naman anak. Aba'y masisipag mag-aral 'tong mga anak ko." Sagot ni mama na may halong pagyayabang na siyang naging dahilan ng ikinaismid ko.

"Mama naman, 'wag masyadong mayabang" sita ko kay mama at sabay na naman kaming tumawa.

"Ate!" Nagulat ako nang dumamba sa'kin ng napakahigpit na yakap ang kapatid ko. "Ate! Namiss kita!" Sabi niya sabay yakap at bugbog ng halik sa pisngi ko.

"Namiss ka din ng ate mo, bunso" tinanggap ko naman ang yakap at halik niya.

"Phyra, kumakain ang ate mo, respeto sa hapag kainan" sita ni mama kay Phyra, napanguso nalang ang kapatid ko.

"Phyra, 'wag ka nang malungkot oh. Hayaan mo, maglalaan ng oras si ate para makapaglaro tayo. Okay ba 'yun?" Sabi ko kay Phyra habang nag thumbs up.

"Okay na okay ate!" Ngisi ni Phyra na ikinatawa ko dahil sa kanyang mga 'ipin.

Pagkatapos 'nun ay kumain na kami nang tahimik.

"Ay siya nga pala, ang papa niyo ay hindi umuwi kagabi, nag text siya sa'kin na mag oover time daw siya sa trabaho ni-"

"Asawa ko!" Rinig naming sigaw ni papa.

"Ah eh ito na pala ang papa ninyo." Sabi ni mama na ikinatawa naming dalawa ni Phyra.

"Asawa ko" bungad ni mama kay papa sabay halik sa pisngi. "Kumain ka na muna Philip at baka ikaw ay gutom na" pag-aalo ni mama kay papa.

"Pa" sabi ko sabay mano sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinagtuonan nang pansin inilahad niya lang ang kanang kamay niya bilang pagtanggap nang pagmamano ko.

"Oh anak" sambit ni papa sabay yakap kay Phyra.

"Pa? Galit ka pa rin ba kay Ate Pai?" Tanong ni Phyra kay papa na hindi naman sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya.

"Ehem, mabuti pa at kumain ka na muna Philip. Eto't pinaghandaan kita ng almusal." Pambabasag ni mama sa nakakalokang katahimikan.

"Ahm pa, tungkol nga po 'dun sa-"

"Tapos na akong kumain, aakyat muna ako sa itaas upang makapagpahinga" putol ni Papa sa sasabihin ko.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil hanggang ngayon galit pa'rin sa'kin si Papa dahil sa pag-alis ko sa bahay namin. Nagtatampo talaga ng malaki ang papa.

"Anak? Hayaan mo na ang papa mo huhupa din agad ang tampo n'yan sa'yo." Pagpapatahan ni mama sa'kin at napabuntong hininga na naman uli ako.

"Sige na mga anak kumain nalang kayong dalawa."

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako nang bahay at nagpaalam kay mama at kay Phyra sabay sakay sa tricycle na dumaan sa bahay.

"Manong oh, dito lang ho." Sabi ko sa driver habang bumaba sa tricycle at nag-intay nang taxi papuntang apartment ko.

Opposite LivesWhere stories live. Discover now