Kathang Isip 17

96 39 1
                                    

Sobrang lapad ng ngiti ko pag baba ng hagdan. Agad namang napansin iyon ni Jenna dahil nag umpisa na naman siya sa pang aasar.

"Ganda ng ngiti ah!" Sabi niya sabay mahina akong siniko.

Napailing iling nalang ako. Nag paalam na kami sa mag asawang Silvestre bago umalis.

Palabas palang kami ng Mansion ay bigla nalang kaming napahinto ng marinig si George.

"Wait! Ihahatid ko na kayo." Sabi niya habang patuloy sa pag baba.

"Ang sweet naman ni lover boy." Bulog saakin ni Jenna.

Hindi ko nalang iyon pinansin dahil na kay George ang tingin ko. Sobrang lapad ng ngiti niya habang pababa ng hagdan. Saglit pa muna siyang nag paalam kila Mr and Mrs. Silvestre na agad namang pumayag bago siya tuluyang lumapit saamin.

"Let's go."

Naunang nag lakad palabas ng bahay sila Tita Gina at si Jenna na nagawa pa akong kindatan.

Kaya naman, naiwan kaming dalawa ni George.

Nag angat ako ng tingin sakanya. "S-Sigurado ka? Maaabutan ka ng dilim mag isa."

He chuckled. "Nag aalala ka?" Nakangising tanong niya.

Nakasimangot akong tumango. "Syempre."

Tinawanan niya lang muli ako saka inakbayan bago kami tuluyang lumabas ng Mansion. Hindi ko na natignan pa si Mrs. Silvestre na narinig kong humagikhik.

Muling sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Jenna ng makita kaming mag kaakbay ni George. Si Tita Gina naman ay ganon din.

Nahihiya tuloy akong ngumiti sakanilang dalawa.

Narinig ko ang mahinang tili ni Jenna ng makitang pinag buksan ako ng pinto ni George sa front seat.

"Kayo na?" Tanong niya ng makasakay na din si George sa driver seat. Mukhang hindi na niya talaga napigilan ang pag pipigil kaya nag tanong na.

"Jenna." Si Tita Gina.

Jenna chuckled. "Nag tatanong lang naman ako, Nay. So, kayo na?"

Napakagat labi ako bago tumingin kay George na nakatingin din saakin.

Namumula akong unti unting tumango kay Jenna bago sumagot. "O-Oo."

Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Jenna. Natawa ako ng makitang pinalo siya ni Tita na nakangiti rin naman.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko ng maramdaman ang kamay doon ni George. Napangiti ako ng pinag siklop niya ang kamay naming dalawa.

"Teka—" Pilit kong inalis ang kamay kong hawak niya. Kaya naman napakunot ang noo niya.

I smiled. "Mag dradrive ka. Bawal ang holding hands."

Dahil sa sinabi ko ay natatawa siyang napailing iling. Napasinghap ako ng bigla nalang niyang pinisil ang pisngi ko.

Mabuti nalang talaga, naisipan na niyang mag drive. Habang nasa byahe ay si Jenna lang ang maingay.

Pag dating sa bahay ay nauna ng bumaba si Tita at Jenna sa kotse. Nag thank you muna sila kay George bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Kami naman ni George ay naiwan dito sa labas. Nakasandal siya sa pinto ng front seat habang nakatingin saakin.

Nginitian ko siya bago ako nag salita. "Papasok kapa ba?"

"Hindi na."

I nodded. "Sige, salamat sa pag hatid." I said and smiled at him.

"Hmm."

"P-Pasok na ako." Sabi ko at itinuro ang bahay.

Shit! Ang awkward.

"Where's my good bye kiss?"

"Huh?" Gulat na tanong ko.

Good bye kiss daw?

"Kiss."

"Ahm s-sige. Pero isa lang, sa cheeks." Sabi ko saka itinuro ang kanyang pisngi.

Mahina siyang napatawa bago tumango. "Okay."

Unti unti niyang inilapit ang kanyang pisngi saakin. Ako naman ay lumapit sakanya.

Nanlaki ang mata ko ng hindi pisngi ako nahalikan ko.

Kundi, oh my gosh!

My eyes widened in shocked. Pahalik ako sa pisngi niya ng bigla siyang humarap saakin. Kaya naman ang kanyang labi ang nahalikan ko.

"B-Bakit—" Natigil ako ng ilapat niya ang kanyang hintuturong daliri sa labi ko.

"Isa pa."

Nanlaki ang mata ko ng unti unti na naman niyang nilapit ang kanyang mukha saakin. Agad akong umatras. Siya naman ay tumawa ng malakas.

"Ewan ko sayo! Umuwi kana nga." Pag tataboy ko sakanya.

Natatawa naman siyang tumango. "Good bye."

"Sige, maiingat ka."

Muli siyang lumapit saakin saka ako hinalikan sa pisngi bago siya umikot sa kotse at sumakay sa driver seat. Nang bumisina siya ay tumango ako at kumaway. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay pumasok na ako sa bahay.

Binisita ko si Totoy sa kwarto nila ni Ate Helen ng matapos akong naligo. Maayos naman na ang kalagayan niya. Mukhang makakapag laro na nga siya bukas.

Sa hapag kainan ay napuno ng pang aasar ni Jenna. Ganon din naman si Ate Helen ng malaman ang balitang kami na nga ni George.

"Bagay na bagay talaga kayo, Ate Shen!"

Sa kwarto ay nag muni muni muna ako. Nakasilip ako sa bintana habang nakatingin sa madilim na bukid.

Bukid ang likod ng bahay dito sa lugar na ito. Sobrang dilim dahil wala naman kasing ilaw.

Nag angat ako ng tingin para tignan ang mga bitwuin na walang pagod sa pag kislap.

Napangiti ako ng maalala ang aking pamilya. Kamusta na kaya sila?

Si Beatrice kaya?

Si Karl...

Sigurado nakalimutan na niya ako. Naalala ko pa amg sinabi saakin ni Beatrice sa panaginip ko na mag papakasal na si Karl kay Cassandra.

Kung totoo man ay magiging masaya ako para sa magulang ni Karl dahil matutupad na ang kanilang hiling para sakanilang anak.

"Tita Shen! You're here!"

"Mommy, bakit nakatulala lang si Tita? What happened to her po?"

Unti unting napawi ang ngiti sa labi ko ng marinig ang boses ng  pamangkin ko.

"Zandra.."

Napalinga linga ako sa paligid. Bakit parang nasa tabi ko lang sila? Ano na bang nangyayari saakin?

Siguro ay pagod lang ako kaya kung ano ano ang naririnig ko. Naisipan ko nalang na mag pahinga na.

Agad din naman akong dinalaw ng antok.

A/N; Hope you like it!

Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon