Kathang Isip 19

102 35 2
                                    

"Sinabi kasing ako na."

Hindi pa muna kami nananghalian dahil ginagamot ko pa ang mga sugat siya sa kanyang dalawang braso na gawa ng talsik ng mantika.

Hindi siya sumagot kundi sinimangutan lang niya ako.

"I just wan—" I cut him off.

"Oo na."

Muli kong dinampi ang bulak na may alcohol sa sugat niya. Nakita ko ang pag ngiwi niya.

"Sorry. Mahapdi ba?"

"I'm fine."

Nang matapos kaming dalawa ay naisipan na naming mananghalian na.

Masarap naman ang pag kakaprito niya sa manok dahil may lasa naman ito.

"Bumaba tayo pag katapos nito." Suggestion ko. Wala na din kasing magawa dito sa kwarto niya. Bukod sa kumain at matulog.

"Okay."

Kaya ng matapos kumain ay bumaba na nga kami sa kwarto niya. Naabutan naman namin sila Jenna sa living room.

"Uyy, bumaba sila." Sabi niya habang nakangising nakatingin saamin.

I smiled. "Wala na kayong trabaho?"

"Mamaya pa. Naisipan kasi namin ni Nanay na mag linis sa may garden."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jenna.

"Gusto kong tumulong." Sabi ko bago tumingin kay George. "Pwede?"

He smiled and nodded. "Of course."

Alas tres ng hapon kami nag punta sa may garden. Balak naming ayusin ang garden. Mag tatanim din kami ng ibang bumalaklak. Kasama ko si Tita Gina, Jenna at isa pang katulong.

Nakakatuwang pag masdan ang mga bulaklak sa garden. Iba't ibang bulaklak ang narito.

Binawasan namin ang ibang halaman na sumobra na ang laki.

Kinuha ko ang walis sa isang sulok saka winalis ang kalat.

Maya maya lang ay natanaw ko na si George na papalapit saamin. May kasama siyang dalawang katulong na may bitbit na meryenda.

"Mag meryenda na po muna kayo." Sabi ni George ng makalapit saamin.

Kumuha siya ng isang juice at sandwich sa tray saka lumapit saakin.

"I know you're hungry."

Naupo kami sa bench ng garden. Habang nag memeryenda ako, itong katabi ko naman ay pinapanood lang ako.

"Gusto mo?" Tanong ko saka ipinakita ang sandwich sakanya.

He shook his head.

Maya maya lang ay lumapit siya saakin saka ako binulungan. "Baby, I want to kiss you." He whispered.

My eyes widened. "A-Ano?!" Gulat na tanong ko sakanya.

He smirked. "I want to kiss you." Pang uulit niya.

Ramdam ko ang unti unting pag pula ng mukha ko. Agad akong nag iwas ng tingin sakanya.

"E-Ewan ko sayo."

He chuckled. "Just one kiss, baby."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tumigil ka nga. Nakatingin sila Tita oh!" Bulong ko sakanya.

Ang mga mukha pa naman nila Tita Gina ay nag tataka habang nakatingin saamin g dalawa ni George. Siguro ay iniisip kung ano ang ginagawa namin at bakit kami nag bubulungan.

Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now