Kathang Isip 10

120 45 1
                                    

Kinagat ko ang pag ibabang labi ko para pigilan ang pag tawa ng malakas, habang nakatingin ako kay George na kanina pa umiiyak dahil sa pag hihiwa ng sibuyas.

Kanina kasi ako ang nag hihiwa nyan pero dahil gusto daw niyang tumulong, siya ang pinag hiwa ko ng sibuyas.

"Fuck! Why am i crying?"

Imbis na sagutin ang tanong niya, humagalpak na ako sa tawa dahil hindi ko na mapigilan ang pag pipigil ko.

Napakunot ang noo niya habang pinapanood akong tumatawa.

"What's funny?"  Nag tatakang tanong niya. Tumaas pa ang isang kilay niya habang ang tingin ay nasa akin pa din.

Natatawa ko siyang tinuro. "You."

"What?! Why me?"  Halata namang nagulat siyang, siya ang itinuro ko. Kaya naman ikwinento ko na ang dahilan kung bakit siya umiiyak habang nag hihiwa ng sibuyas. Hindi pa siya maniwala dahil bakit daw ako hindi naman umiyak kaninang nag hihiwa ako.

"Sanayan lang yan. Nung una din ako, isang hiwa ko palang humahapdi na ang mata ko."

Hindi niya pa tapos ang pag hihiwa ng sibuyas. Ako na sana ang tatapos pero hindi niya ako hinayaan.

"I can do this."

Wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon sakanya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya sulyapan lalo na sa ginagawa niya ngayon.

Nakapikit siya habang nag hihiwa.

"George—"

"Fuck! Shit!"

Nanlaki ang mata ko ng mahiwa niya ang isang daliri niya. Mabilis akong tumakbo palapit sakanya.

"Are you okay? Masakit ba?" I asked worriedly.

He smiled amd nodded. "I'm fine."

Umiling ako. "No. Halika, gagamutin ko."

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Pero imbis na ako ang hihila sakanya, siya ang humila saakin. Kaya ang ending, napaupo ako sa kanyang hita.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nalang niya ang yakapin patalikod.

Shit! "George—"

"Just two minutes."

Napasinghap ako ng ilagay niya ang kanyang baba sa balikat ko saka inamoy ang leeg ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko habang pilit na iniiwas ang leeg sakanya.

"You smell so good, baby."

Mariin akong napapikit ng muli niyang isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Hmm."

Humigpit pa lalo ang pag kakayakap niya saakin mula sa likuran.

"Sir—"

"Shit!"

"Fuck!"

Dahil sa gulat ko, naitulak ko si George kaya naman bumagsak siya kasama ang upuan sa sahig habang ako ay gulat na nakatingin sakanya.

"I'm sorry." Natataranta akong lumapit sakanya at inalalayan siyang tumayo.

Isinabit ko ang braso niya sa balikat ko para matulungan siya. Nag aalala akong nakatingin sakanya habang siya ay nakangiwi habang naka hawak sa bewang niyang halatang masakit.

"George, I'm sorry."

Tumulong saamin si Ate Helen. Tinayo niya ang natumbang upuan at tinulungan akong alalayang iupo si George.

Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now