Kathang Isip 13

105 42 0
                                    

Nakahawak ako sa bewang kong nasaktan gawa ng pag kahulog ko. Nakangiwi lang din ako habang dinadama ang sakit na dulot nito. Mabilis namang tumulong saakin sila Jenna at Valerie. Todo ang pag hingi ng tawad ni Jenna na hinayaan ko nalang dahil alam ko namang hindi niya iyon sinasadya. Gawa lang ng kilig na hindi niya napigilan. Delikado palang katabi itong si Jenna pag kinikilig.

Si George naman ay napakaOA. Gusto pa niyang mag patawag ng ambulance dahil sa nangyari saakin.

Kaya naman ngayon, nakaupo lang ako dito habang si George ay sinusubuan ako. Kanina pa namumula ang mukha ko at kanina pa ako nahihiya dahil halos lahat ng mata ay nasa amin ang tingin. 

"Hindi mo naman kailangan gawin to. Hindi naman malala ang pag kalaglag ko."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Kundi patuloy lang ang pag subo niya saakin ng tanghalian.

"K-Kumain kana din." Sabi ko ng matapos akong kumain.

"Hmm."

Napakunot ang noo ko ng makita sila Jenna at Valerie na parehas na may nanunuksong tingin saakin mula sa pwesto nila.

Napailing iling nalang ako bago muling binalik ang tingin kay George na kumakain na.

"George."

"Hmm?"

"Alis muna ako, titignan ko lang si Totoy kung kumain na."

Tumigil siya sa pag kain at hinarap ako. "Sasama ak—" I cut him off.

"No. Kumain kana lang dito. Pag katapos mo, saka ka sumunod."

Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Umalis na din ako mula sa pwesto namin saka nag lakad patungo sa bahay bitbit ang hiningi kong kanin at ulam.

Pag pasok ko ng bahay ay siya ring labas ni Totoy sa kusina.

"Ate Ganda!"

"Kumain kana ba? May dala ako dito, halika sa kusina."

Sabi ko saka siya iginiya pabalik ng kusina kung saan siya galing.

"Sakto! Nagugutom na po ako. Ang sabi kasi ni Tita Jenna pag tapos kong maligo puntahan ko siya."

Pinaupo ko muna si Totoy sa upuan bago nanguha ng plato, kutsa at tinidor na gagamitin niya. Kumuha na din ako ng tubig niya.

Pinag mamasdan ko lang si Totoy habang kumakain siya. Nagawi ang tingin ko sa pintuan ng kusina ng makita si George. Nginitian ko siya at pinaupo na din ng makalapit saakin.

Nakaharap kami kay Totoy ngayon na nakangiting pasulyap sulyap saamin habang kumakain.

"Kuya George, crush mo Ate Ganda ko no?"

Napaamang ang labi ko sa narinig na tanong mula kay Totoy. Ang batang to talaga.

Mahinang natawa si George kaya napabaling ako sakanya. Kinindatan niya ako ng mag tama ang tingin namin bago muling binalik ang tingin kay Totoy na nakangiti kaming pinag mamasdan saka tumawa ng malakas.

"Uyy! Bagay po kayo. Tingin tingin pa kayo ah!" Natatawang pang aasar niya saamin. Mahina akong natawa dahil sa pang aasar saamin ni Totoy.

"Gusto mo ba ako para kay Ate Ganda mo?"

Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon ni George kay Totoy. Si Totoy naman ay tuwang tuwang tumango at nagawa pang mag thumbs up saamin.

"Oo naman po, Kuya George!"

Saglit na natawa si George bago sumimangot kay Totoy. Pinapanood ko lang naman silang dalawa.

"Kaso mukhang hindi naman ako gusto ni Ate Ganda mo." Malungkot ang pag kakasabi ni George sa mga katagang iyon kaya naman pati si Totoy ay sumimangot din saka ako tinignan.

Tumaas ang isang kilay ko habang nag hihintay sa sasabihin niya.

"Ayaw mo ba kay Kuya George, Ate Ganda?" Tanong saakin ni Totoy.

Parehas sila ni George na hinihintay ang sasabihin ko.

"Ayaw sumagot, mukhang ayaw nga talaga saakin."

Malakas na tumawa si Totoy habang nakatingin kay George.

"Ate Ganda, iiyak na si Kuya George oh!  Ayaw mo ba sakanya, Ate Ganda? Kung ganoon sino po ang gusto niyo?"

Umiling ako bago sumagot. "S-Si Karl. Ang b-boyfriend ko."

Parehas na nagulat ang dalawa sa sinabi ko. Hindi ko napigilan ang pag lunok ng makita ang unti unting pag dilim ng expression ni George.

"Wow! May boyfriend ka pala, Ate Ganda! Sino po si Kuya Karl? Mabait po ba siya?" Sunod sunod ang naging tanong ni Totoy. Hindi ko na siya nasagot dahil nagulat ako sa biglaang pag walk out ni George.

"Kuya George, saan kapo pupunta?"

Gusto ko sanang sundan si George pero hindi ko naman maiwan si Totoy dahil hindi pa siya tapos sa pag kain.

"Ate Ganda, bakit po umalis si Kuya George?" Tanong saakin ni Totoy. Napakibit balikat naman ako.

"Hindi ko alam. Bilisan mo nalang na kumain para susundan ko ang Kuya George mo."

Sinunod naman ako ni Totoy dahil agad din niyang natapos ang kinakain. Kaya ng mahugasan ko ang ginamit niyang pinggan, lumabas na din ako ng bahay para puntahan at kausapin si George.

Agad na tumaas ang isang kilay ko ng makita siyang nakikipag tawanan kasama ang nag sesexyhang grupo ng mga babae na mga taga rito din.

Napasinghap ako ng saglit niya lang akong sinulyapan at hindi na inulit pa dahil binalik na siya ang atensyon sa mga babaen nakapalibot sakanya.

Napakunot nalang ang noo ko. Anong problema niya?

"Selos ka?" Nagulat ako sa biglaang pag sulpot nila Jenna at Valerie.

"H-Hindi." Nauutal na sagot ko. Parehas akong tinawanan ng dalawa, halatang hindi naniniwala sa sinagot ko sakanila.

"Hindi nga! Nagulat nalang kami ni Totoy ng bigla siyang nag walk out." Sagot ko saka palihim na sinulyapan ang pwesto nila George. Nakikipag kwentuhan at nakikipag tawanan pa din siya.

"Bakit naman siya nag walk out?" Tanong ni Valerie.

I shrugged. "Ewan ko."

"Ano bang pinag usapan niyo?" Kunot noong tanong ni Jenna.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng maalala ang topic namin kanina sa kusina.

"T-Tinatanong niya kung ano. Ahm kung g-gusto ko daw ba siya."

Nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig.

"Anong sinagot mo?" Excited na tanong ni Valerie.

"Ano. Si K-Karl. Dahil boyfriend ko siya."

Nag katinginan ang dalawa bago sabay na tumawa kaya naman napakunot ang noo ko.

"Anong nakakatawa?" I asked.

"Ate Shen. Ngayon alam na namin kung bakit nag walk out si Sir George."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jenna.

"Anong dahilan?"

"Dahil nag selos siya!" Sabay na sabi ng dalawa bago ako nginisian.

My eyes widened in shocked. Oh gosh! H-He's jealous?

A/N: Hope you like it. Follow me on dreame app po. "Jah_Jah_12".






Kathang Isip [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now