"Ano? Lucky Charm?" Malakas na sambit ni Jarmcel sa loob ng bus. Sa oras na ito, kausap niya si Charles sa dati nilang pwesto. Ikatlong halera ng upuan sa kaliwa, at may espasyo sa pagitan nilang dalawa.

Nabigla ang binata sa sinabi sa kanya ni Charles habang nagkukwento siya tungkol sa Captain ng Team nila.. Nagsimula kasi ang usapan nang magtanong si Jarmcel kung meron ba siyang napapansin kay Franco.

Hanggang sa umabot sa nasabi ni Charles na tinatawag siya nitong Lucky Charm.

"Bakit Lucky Charm?" Dagdag na tanong ng binata sa katabi niya para mas maliwanagan siya sa kung anong rason bakit ganun ang tawag ni Franco sa kanya.

Sumagot ng natural si Charles base na rin sa pagkakaintindi niya. "Di ba nga, Lucky Charm nga raw ako sa Team namin para sa laro bukas." Inosenteng sagot ng binata kay Jarmcel.

"Lucky Charm ka ng Team ninyo or Lucky Charm ka niya?"

"H-ha?"

"Tss. Hindi mo ba ma-gets?"

"Um. Sa pagkakaalam ko, Lucky Charm ako ng Team namin kaya ganun." Kapansin-pansin ang paghina ng boses ni Charles. Hindi dahil sa nalungkot siya dahil sa narinig niya, kundi dahil sa may iba rin palang nakakapansin na may gustong ipahiwatig si Franco sa pagtawag sa kanya nito ng 'Lucky Charm'.

"Feeling ko may gusto yun sa'yo."

"Ha? A-ano?" Napatingin siya sa direksyon ni Jarmcel sa kaliwa niya. Seryoso ang tono at walang bakas ng pagbibiro ang nakapinta sa mukha ng lalaki kung saan nakatuon ang mga mata nito.

"Wag mo na ako paulit-ulitin sa sinasabi ko." Inis na lumingon sa may bintana si Jarmcel saka muling nagsalita. "Hindi siya bagay sayo."

"Hahahaha!" Ang matamlay na boses kanina ni Charles ay napalitan ng pagtawa dahil sa tinuran ng kaibigan niya.

"Anong nakakatawa?" Mas lalong nabakas sa mukha ng binata sa tabi ng bintana ang pagkainis niya.

"Hahaha. Natatawa lang ako kasi hindi ko alam na inaalala mo pala kung bagay ba siya sakin o hindi."

"E bakit naman hindi, kaibigan naman kita ah." Nagsalubong pa ang mga kilay nito at muling bumalik sa pagtanaw sa labas ng bus. "Atsaka, di ako papayag na .."

"Na?" Sumilip si Charles sa gilid nito at hinintay na tapusin ang pangungusap ni Jarmcel.

"Na siya yung magiging kapalit ko."

"Ha? Ano? Kapalit mo? Saan naman?"

"Wala!" Halatang nabubwiset na siya sa paulit-ulit na pagtatanong ng kaibigan niya. "Basta wag siya, Brad!"

Bumaba siya ng sasakyan na hindi man lang hinayaan ni Jarmcel na maklaro ang isip ni Charles sa mga sinabi niya patungkol sa kung bakit ayaw niya kay Franco

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bumaba siya ng sasakyan na hindi man lang hinayaan ni Jarmcel na maklaro ang isip ni Charles sa mga sinabi niya patungkol sa kung bakit ayaw niya kay Franco.

"Tsk. Anong sinasabi niya na si Franco ang magiging kapalit niya?" Bigkas bigkas ng binata ang mga salitang yun habang naglalakad na pauwi sa kanilang bahay.

Nang marating niya ang gate nila, nag-vibrate ang phone niya sa kanyang bulsa.

"Ha? Si Franco? Anong meron?" Nakita niya ang pangalan sa screen ng phone niya at may pagkabigla sa kung bakit tinatawagan siya nito.

"Um. H-hello?"

"Hi", Lucky Charm!" Bungad agad ng masayang boses ni Franco mula sa kabilang linya. Pumasok sa isip ni Charles ang nabanggit ng Ex-Crush niya kanina sa bus na .. "Lucky Charm ka ng Team ninyo or Lucky Charm ka niya?"

Para kay Charles, ang pagiging Lucky Charm niya sa iba ay hindi naman ganun ka-big deal para bigyan ng malisya. At hindi sapat na basehan para sabihing may gusto sa kanya si Franco.

"Bakit ka napatawag, Franco?"

"Nakauwi ka na ba?"

"Um. Oo, halos kakauwi lang." Hindi pa rin siya napasok ng gate sa mga oras na iyon. Baka kasi bigyan din ng ibang ideya ng Kuya niya na may kausap siya sa cellphone.

"Ganun ba. Hahaha, sige. Good luck sa'tin bukas, Lucky Charm!"

"Hahaha. Natatawa naman ako sayo. Yun lang ba itinawag mo?" Nawala na ang pagka-ilang ni Charles kay Franco sa kung paano siya tawagin nito at kausapin. Dahil na rin siguro sa nabuong pagkakaibigan nila pagkatapos ng practice game, kahit nasa dalawang araw palang naman ang lumipas.

"Sige, Lucky Charm! Magsasaing pa ako eh."

"Wow naman. Sige sige." Nakangiting natapos ang usapan nilang dalawa.

Sa loob-loob ni Charles, hindi naman masama kung mahulog din ang loob niya sa lalaking nasa kabilang linya. Pero alam niyang hindi pa yun ang tamang panahon kasi baka maging rebound lang siya, lalo na't on process pa rin naman ang Oplan Uncrush niya.

Nakapasok na rin sa bahay si Charles sa kwarto niya ng biglang nag-vibrate ulit ang phone niya.

Franco: Hey Lucky Charm! Sana nagustuhan mo yun gift ko sa'yo. Isuot mo yun bukas ha ;)


*** End of Chapter 10 ***

I hope you enjoy this chapter 😍

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 😘🥰

Crush LifeWhere stories live. Discover now