Hayyyy, napakasarap..

Nang makainom ako pakiramdam ko ay mas nakahinga ako ng maluwag hindi katulad kanina na paran may malaking nakabara saking lalamunan.

"Eurie?" Pagtawag sa kin ni tito george.

"Bakit po?" Agad kong sagot.

"Bakit nga pala mag isa ka lang umuwi? Hindi ba ehh sinusundo at dapat kang ihatid ni axel sa bahay niyo?" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at pag tiim bagang niya.

"Kasi po tito-" nagbaba ako ng tingin at pinag sakop ang aking mga kamay. "Ang sabi ni axel hintayin ko na lamang daw po siya sa tapat ng gymnasium ng school po namin. Dahil po isang oras mahigit na siyang hindi nadating ay nauna na po ako." Napapahiyang sabi ko. Dapat talaga ay hinintay ko na lamang siya.

"Saan naman yun nag pupupunta? At pinaghintay ka pa ng mahigit isang oras?!" Mahinang galit na sigaw ni tito goerge. Napasabunot din siya sa kanyang buhok.

Bakit ganoon na lang ka frsutrated ng hindi ako masundo ng anak niya?

"Hindi ko po alam tito, kasi-" biglang bumukas ang front door at iluwa nito ang humahangos na mukha ni axel. Lumapit agad siya saakin at lumuhod sa harap ko.

"Ayos ka pang eurie?" Nag aalalang tanong niya. Pinaka tignan niya pa ang bawat parte ang katawan ko marahil ay tinitignan kung nasugat o nasaktan ba ko.

"Ayos lang ako axel." Iniwas ko ang mukha ko sa kanyan ng pilit niya kong iharap sa kanyan.

"No your not!" Mahinang sigaw niya sa mukha ko. Tumayo siya at nag papadyak habang sinasabunatan ang sarilu niyang buhok. "S*it!".

"Calm down axel." Bahagyang hinila ni tito george si axel. "Doon tayo sa labas mag usap." Tinanaw ko sila habang papalabs ng pinto.

Siya namang pag lapit sakin ni mommy. "Saan sila pupunta anak?" Takang tanong ni mommy. "Hindi ko po alam." Nakakarinig kami ng mahihinat mabibigat na sigawan sa labas. Lumapit doon si mommy at lumabas.

Maya maya ay pumasok na sila ng magkakasabay.
"Pasensya na talaga eurie kung hindi agad kita nasundo kanina." Nakayukong pahayag ni axel malayong malayo siya ngayon sa lalaking palagi akong nginingisihan o pinagtripan. Ramdam kong sincere siya sa paghinga niya ng paumanhin.

"Wala yun axel, ayos lang." Tumingin ako kay mommy sabay ngiti. "Aakyat na po ako sa kwarto ko mom." Tumayo na ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

Nakakailang hakbang palang ako papuntang hagdanan ng may maramdaman kong humawak at pumigil sakin. Nilingon ko ito. Mga nag aalalang mukha ang ang aking nakita lalo na ang kay axel. Hinigit ko ang braso konf hawak niya.

"I think i need some rest, mauuna na po ako sa inyo. Mag iingat po kayo pag uwi tito, ikaw sin axel wag kang mag alala ayos lang ako." Tumango si mommy. Nagtuloy tuloy na ko sa pagakyat sa hagdanan ng walang lingon lingon.

Pabagsak akong humigi sa kama at mas ibinaon ko ang aking sarili dito. Pagod na pagod yung katawan ko at gusto ko na talagang matulog.

Ano na bang nangyayari sa amin?

Sobrang naguguluhan na ko T...T

Daddy... Huhuhuhu sana andito ka kasama namin, alam kong ligtas kami sa kapahamakan kung andito ka lang.

Tumihaya ako at kinapa ang kwintas na suot ko. "Ano naman kayang pakay sakin nung mga lalaki kanina?" Mahina kong sabi sa sarili ko. Pinaka titigan ko ang pendant ng kwintas ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng mapansin ang nakaukit dito.

Do~

Agad kong kinuha ang music na binigay sakin ni daddy. Pamilyar sakin ang pendant ko. Matagal ko ng napapasin na magkahalintulad ang piece ng music box ko at ang pendant ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin. Pero ngayon naliwanagan na ko. Binuksan ko ang music at tama nga may mga nawawalang piece o nota na kokompleto sa magandang musika na kayang iproduce ng music box. Although maganda na talaga ang tunog nito, hindi mo agad mapapansin na may kulang na tunog.

May mga kulang pa ding piece, saan ko naman kaya mahahanap ang mga yun? Nalilito man ay pinilit ko pa ding matulog.

Baka si mommy alam kung saan ko mahahanap ang iba pang piece..

Itatanong ko na lang bukas.

--

Hi! Guys ( ◜‿◝ )♡

Thanks for reading!

Ano-ano kaya ang matutuklasan ni eurie sa paghahanap niya ng mga kulang na piece ng music na binigay ng daddy niya?

Sino-sino ba ang mga bago niyang makikilala?

See you guys sa next chapter hehe ( ˘ ³˘)♥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken StringsWhere stories live. Discover now