Chapter 3
"who are you?" Deretsyang sabi ko.
"Hindi mo ba siya nakikilala anak?" Agad namang tanong ni mommy.
"Hindi po mom." Kibit balikat kong sabi. Hindi ko naman talaga siya kilala kung kilala ko lang sana hindi ko na itatanong.
"Panganay na anak ni tito george mo na kabanda ng daddy mo noon." Nakangiting sabi ni mommy. "Maupo kana muna anak at sabayan mo na kaming mag meryenda." Naupo ako sa tabi ni mommy kaharap ng anak ni tito george.
Habang nilalagayan ako ni mommy ng juice hindi ko maiwasang irapan ang lalaking walang sawang kangingiti sakin.
Papansin tsk tsk!
"What's your problem man?!" Mahina kong sabi sa kanya at sinipas siya sa ilalim ng lamesa.
Tinawanan lang talaga ako. Tsk!
"Hmm mauuna na po ako ninang, its nice to see you po ulit." Magalang na sabi niya.
"Sige mag iingat ka. Ikamusta mo na lang ako sa daddy mo." Agad na sagot ni mommy. "Anak ihatid mo naman ang bisita natin sa labas." Nilingon ko agad si mommy.
"Mom! Kaya na niya yan."
"No!"
"Hayst sige na nga!" Nauna na akong lumabas ng kusina at narinig ko pa siyang magpaalam ulit kay mommy.
Narinig ko ang papalapit niyang hakbang.
"Mag iingat ka marami pa namang masasamang loob diyan ang nagkalat sa daan baka mapahamak ka sana." Inirapan ko ulit siya.
Natatawa na naman ang loko. Tatalikod na sana siya. "Psst." Tawag ko sa kanya.
"Bakit nga pala di ka pumasok kanina sa klase."
"Gusto ko ehh haha boring masyado, sige na mauuna na ko haha bakit ba laging ang cute mo haha" natatawa pa siya habang naglalakad. Ang weird lang kilala ba talaga niya ko.
Pag pasok ko ng bahay pagkatapos kong ihatid si..
errr hindi ko pala alam pangalan niya. Pero feeling ko talaga kilala niya ko.
Naabotan kong nanunuod si zen at mommy ng tv, nakaunan sa lap ni mommy si zen habang ngumunguya ng stick-o. Dumakot na din ako ng maraming stick-o well favorite.
Pag akyat ko sa hagdanan. Hindi pa ako halos nakaka lapit sa pintoan ng kwarto ko. Nang may nakarinig ako ng mga kaloskos at mahinang usapan.
"Wala naman hskdiehsksnz." Rinig kong sabi ng isa. Mas nilapit ko pa yung sarili ko sa pinto para mas marinig yung usapan nila.
"Nakatago lang kung savzoslxnixks." Arghhh ano kaya yung pinag uusapan nila at parang may hinahanap sila sa kwarto ko. Nag mamadali akong pumasok sa loob ng kwarto nila mom and dad. Alam kong may nakatagong baseball bat si dad sa damitan nila. Agad ko itong kinuha at dahan dahang naglakad ulit papalapit sa kwarto ko.
Halfway palang ako papunta sa pintuan ng marinig ko ang nagmamadali nilang mga hakbang. Pag bukas ko ng pinto nakita ko pa ang isang lalaking papatalon sa bintana ng kwarto ko.
"Ahhhhhh!" Patakbo kong sigaw at akmang ihahampas sa lalaking papatalong yung basball bat, pero nakatalon na ito. Narinig ko pa ang mahina niyang mura.
YOU ARE READING
Broken Strings
Teen FictionSimpleng babae lang si Eurie Amphy Realonza, may masaya at kompletong pamilya.Her mother was a nurse while her father was a forgotten musician. She also have a younger sibling with special needs. Pero para sa kanya wala ng mas sasaya dahil mag kakas...
