Chapter 2
It was friday morning, nagising ako sa mainit na sikat ng araw na yumayakap sa buo kong katawan. Maaga pa pala ako papasok. Mabilis na akong nag handa at baka malate pa ko.
"Mom! Papasok na po ako." Humalik ako sa pisngi ng kapatid ko.
"Hindi ka pa nakain anak." Sigaw ni mommy galing sa kusina.
"Malalate na po kasi ako! Sa school na lang po ako kakain" Ayun lang at naglakad na ko palabas ng bahay.
Pagdating ko sa school ay agad akong sinalubong ni jai. Guilty was all over her face. Wala namang reaksyon ko siyang hinarap.
"Sorry na bes." Nakayuko niyang sabi habang kinukutkot ang kanyang kuko. Para na ding siyang maiiyak.
"Hayyyy." Buntong hininga ko.
"May magagawa pa ba ko, andyan na ehh. Nailista mo na ko. Baka masira pa ang kapakanan ng school natin dahil sa hindi ko pag sali." Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Talaga?! Kyahhhhhh! Thank you bes!" Nag tatatalon siya sa tuwa. "Bitawan mo ko jai, hindi ako makahinga." Saway ko sa kanya ng higitin niya ko at yakapin. Ikinawit niya ang kanyang braso sakin at pumasok na sa klase namin.
Mga ilang minuto ng nag sisimula ang klase ng may dumating na bagong estudyante. Naagaw nito ang atensyon ng lahat. Unang araw palang late na. Tinignan niya lang ang teacher at nilagpasan pagpasok sa loob. And to my surprise mukhang sa tabi ko pa ata siya mauupo. Habang papunta siya sa tabi ko nakatingin siya saakin ng nakangiti. Ano kayang problema sakin ng lalaking to. Sinilipan ko kung may bakante pang mauupoan. Kung maari ayoko ko sana ng may katabi bukod kay jai kaya nga sa dulo ako nakaupo sa kaliwa ko vacant seat at sa kanan ko naman si jai. Tama makikipag palit na lang ako sa kanya mamayang break time.
"Mr. Villarico why are you late, at nilagpasan mo lang ako." Mataay na sabi ni miss Anglo. Tinignan lamang siya ng katabi.
"Hindi ka sasagot?!" Galit na si miss Anglo. Patay kang bata ka. Nilingon ko ang katabi ko at agad din itong tumingin sakin. I mouthed why to him. Umiwas na lang ako ng tingin sa itim na itim niyang mata. Masyadong nakakahipnotismo ang malaki at biligan nitong mata.
"Sorry miss naligaw kasi ako sa paghahanap nitong classroom." Grrrrr. Anlamig at ang lalim ng boses niya. Bigla akong lumingon sa kanya pamilyar ang boses niya at tama, siya yung lalaking nakabangaan ko kahapon. Kaya pala kung ngitian ako ng lalaking to namumukhaan ata ako. Iyon lang ang sinabi niya tinangoan na lang siya ni miss anglo at bumalik na sa pag tuturo niya.
Lumipas ang ilang oras at break time na. Nilingon ko naman ang katabi ko. Nakayuko ito sa ibabaw ng desk niya at mukhang natutulog ito. Grabe kapapasok palang pero na tutulog lang. Kakalabitin ko na sana siya para sabihing brak time na pero nag angat na din siya ng ulo at walang sabi sabing lumabas ng classroom. Lumabas na din kami ni jai at nag punta sa canteen.
Habang pababa kami ng hagdanan napadaan kami sa room nila nathan. Maririnig ang malakas na sigaw mula rito na siyang naka pagpahinto sa amin ni jai.
"Paano na yan! Ha! Sino ang ipapalit natin sa punyetang babae na yun!" Malakas na sigaw ng music teacher ng grade level namin.
"H-hindi pa naman po siya sir humih-hindi." Nagkanda utal utal ng sabi ni nathan. Nakayuko ito. Nakakaawa ang itsura nito ngayon habang pinapagalitan ni sir montero. Nilingon ko si jai at katulad ko din siyang naaawa para kay nathan. Wala naman siyang ginawang mali kaya hindi niya deserve ang masigawan at mapagalitan ng ganito. Alam namin kung paano niya ginagawa ng maayos ang mga ibinibigay sa kanyang task gaano man ito kaliit o kalaki. Saksi kami ng lahat ng pag hihirap niya simula elementary kami hanggang ngayong high school. Naging kaklase na rin namin siya ni jai noon. Kaya para itama ang lahat.
YOU ARE READING
Broken Strings
Teen FictionSimpleng babae lang si Eurie Amphy Realonza, may masaya at kompletong pamilya.Her mother was a nurse while her father was a forgotten musician. She also have a younger sibling with special needs. Pero para sa kanya wala ng mas sasaya dahil mag kakas...
