Chapter 1
Malapit na ang uwian ng hapong iyon. Pero walang tigil kauungot ang kaibigan ni euri sa tabi niya.
"Eurie, samahan mo na ko. Please?" As she plead. "Pretty please."
"A. Yo. Ko."
"Bakit ba kasi ayaw mo? Huhuhu." Tsk. May pa kunwari pang iyak.
I faced her and look straight in her eyes.
"Alam mo na ang dahilan diba? Paulit ulit ko ng sinabi sayo. Parang bago ka pa rin sa luma." Naglakad na ako palabas ng room at parang bata pa rin siya kung sumunod at makiusap sakin. Sa gilid ng mata ko ay nakanguso sya at nag papadyak pa.
"Andoon si nathan, siya ang pianist." I stopped. Pero hindi nun mababago ang desisyon kong wag siyang samahan. "Please naman, bes. Huhuhu Huling favor ko na ito sayo. Kahit wag mo na kong regalohan sa darating kong birthday, kahit itong pag sama mo na lang sakin."
TT_TT
"HAYST! Sige na sige na! Matigil ka lang! Pero doon lang ako sa labas at hihintayin kang matapos. Okay kung di lang kita kaibigan?!" She smiled widely from ear to ear. Alam kong hindi ako titigilan ng isang ito hanggang di ako mapapayag. " Pero andoon talaga si nathan?" Tuwang tuwa ang gaga. Nilagpasan ko na siya at nauna ng bumaba ng hagdan. Narinig ko ang paghabol nya at ramdam ko sa tabi kong todo ang ngiti at saya niya.
"Uyy. Ikaw ahh kunwari pang ayaw niya haha gusto lang mag papalit at.. makita si nathan haha." Tukso niya at may patusok tusok pa sa tagiliran ko at ipit na nag tititili. I know nathan has a girlfriend, everybody does. Kaya kung may makakarinig na may gusto ako sa kanya baka makarating sa girlfriend niya. Ayoko ko ng gulo.
"Manahimik ka nga mamaya may makarinig sayo."
"Bakit totoo naman."
"Sige ipag pilitan mo iiwan talaga kita." Banta ko pero ayun at ngingiti ngiti pa din siya.
Nauna na syang maglakad at pumasok ng studio kung saan siya mag a-audition para sa school choir. It was located inside the gymnasium at pati na rin ang ibang department like for arts, science and dance studio. Isang linggo ng inannouce na mag papa audition sila kaya agad namang nagpalista si jainalla. I really admire her pag dating sa pagkanta, she has an angelic and soft voice. Masasabi talagang para siyang isang anghel na bumaba sa lupa bukod sa boses ay may angkin ding ganda. She's also an IT girl in the campus, maraming nagkakandarapang lalaki mapansin niya lang. Im lucky to have her as my best friend she's a complete package. Hindi na nakakapagtaka kung matatanggap siya sa audition. She has the looks and the voice.
Pumasok na sya sa studio habang ako ay nakaupo sa tapat ng glass wall ng room, may mga bleacher along the hallway na pwedeng upuan. Gusto ko sanang maglakad lakad kaso baka hanapin ako ni jai. Wala pang limang minuto ng napalingon ako sa pintuan ng bigla itong bukas at dumungaw ang ulo ng lalaking isa sa mga hinahangaan ko.
My heart skipped a beat.
Nathan.
"Can you come inside? Sasamahan kita wag kang mag alala." Sabi niya at makikita mo sa mukha niya na pinapalakas ang loob ko. Bahagya akong natulala sa kung gaano ka ganda ang pagkaka ngiti niya. Ang malabing niyang boses ang ay parang musika sa aking pandinig. Tuluyan siyang lumabas ng studio at humarap sakin habang napapahiyang nakaka kamot sa kanyang batok.
YOU ARE READING
Broken Strings
Teen FictionSimpleng babae lang si Eurie Amphy Realonza, may masaya at kompletong pamilya.Her mother was a nurse while her father was a forgotten musician. She also have a younger sibling with special needs. Pero para sa kanya wala ng mas sasaya dahil mag kakas...
