Chapter 4
"Eurie" sabi ng isang bilogang boses. Napkalalim at lamig.
Saan ko nga ba narinig ang ganyang boses?
Nag huhumiyaw man ang kaba saking dibdib sinikap kong paring humarap sa lalaking nasalikoran ko. Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa takot at anomang oras ay babagsak na ang kanina pa nagbabadyang mga luha saking mata.
Pag kaharap ko, dahil sa dilim ng paligid kung na saan man ako ng mga oras na yun ay pilit kong inaninag ang mukha ng may katandaang lalaking di na lalayo ang edad saking daddy. May kakisigan pa ang katawan bagaman may maumbok na itong tyan. May mga guhit at kulubot ang mukha. Puti na rin ang may kahabaan nitong buhok.
"Tito george?" Nakakapagtaka naman na narito ito sa harapan ko sa ganitong oras at ganitong pagkakataon.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat ng tumambad saakin ang mga nakahandusay na katawan ng mga lalaking nakaitim. Nasalikoran man ito ni tito george hindi ito hadlang upang makita ang mahigit sa walong lalaking kanina ay tinatakasan ko lamang.
Panong nangyaring may mga lalaking walang malay dyan?
Taka ko namang tinignan si tito george.
Agad naman siyang lumapit saakin. "Kaya mo bang maglakad, hija? Kailangan na nating umalis dito bago pa magising ang mga lalaking yan." Tyaka niya ko hinapit upang alalayan.
"Pero- tito sino ang mga yan?" Hindi man lang niya ako nilingon at nagtuloy tuloy lang kami sa paglakad hanggang makalabas kami sa isang makipot na eskinita.
Paano naman kaya ako nakarating sa lugar na yun?
Nang makasakay kami sa sasakyan ni tito george. Hindi pa din mawala sa isip ko kung ano na nga bang nangyayari. Kahit tanongin ko si mommy ay wala din siyang maisagot. Kung tatanongin ko naman si tito george ay baka wala din itong isagot saakin. Malalim na buntong hininga na lamang ang magagawa ko sa ngayon. Naguguluhan man ako pero ang kailangan kong mag tiwala sa mga taong nasapaligid ko.
Should i trust them?
Makailang beses kong nakitang sumusulyap si tito george sakin mula sa salamin ng sasakyan. Marahil tinigtignan ang kalagayan ko. Dumungaw na lamang ako sa labas ng bintana habang tinatahak namin ang daan uwi sa bahay.
Buong byahe ay tahimik lamang kami ni tito george. Pakiramdam ko may gustong sabihin si tito george pero mas pinili na lamang niyang manahimik. Bakas naman sa mukha ko na mas gusto ko ang katahimik at makapagisip.
Huminto sa harap ng bahay ang sasakyan na lulan namin. Ilang minuto muna kami nanatili saloob ng sasakyan at muli akong sinulyapan ni tito george. "Maayos naba ang pakiramdam mo hija?" tanong niya.
"Opo tito." Ayun lang ang nasabi ko at pinagbuksan niya na ako ng pintoan.
Pagbukas ko ng pinto ang nag aalalang mukha ni mommy ang unang tumambad saakin at walang alinlangan niya akong niyakap. "Kamusta anak? Anong nangyari? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong niya habang inaalalayan niya akong maupo.
"Maayos na po ako mom." Ang sabi ko. "Buti na lang po at dumating si tito george." Napalingon ako kay tito george nanakaupo na din sa tapat ko na upuan isang ngiti lang ang iginanti niya.
"Mabuti naman kung ganon, salamat george." Nginitian lang din siya nito. Iniwan na muna kami ni mommg para mag handa ng makakain bago pa yun ay inabotan niya muna ako ng maiinom na malamig na tubig.
YOU ARE READING
Broken Strings
Teen FictionSimpleng babae lang si Eurie Amphy Realonza, may masaya at kompletong pamilya.Her mother was a nurse while her father was a forgotten musician. She also have a younger sibling with special needs. Pero para sa kanya wala ng mas sasaya dahil mag kakas...
