Nagmamadali ang dalawang lalaking tumakbo papalayo sa bahay. Narinig ko naman ang mga yabag ni mommy. Narinig niya marahil ang pag sigaw ko.
"What happen?" Agad na bungad niya.
"M-mommy, may mga lalaki dito kanina. Bago ako pumasok narinig ko silang parang may hinahanap sa kwarto ko." Nanginginig kong sabi. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko ay matatakot. Yumakap naman si mommy sakin habang marahang hinihimas ang likod ko.
"Dapat tinawag mo ko anak." Nag aalalang sabi niya.
"Its okay mom. Magpapalit lang po ako at bababa na rin po ako." Tumango siya.
"Okay honey, lock your window, okay? At sumunod ka agad mag hahain na ko" Sabi ni mommy habang dahang dahang sinara ang pinto ng kwarto ko.
Mga ilang minuto muna akong natulala bago kumilos.
Sino kaya ang mga lalaki na nanloob sa kwarto ko?
Una yung pakiramdam na palaging may nakasunod saakin kapag uwian.
Pangalawa na tong mag pumasok sa loob ng kwarto ko at may kung anong hinahanap.
Masyado ng naging okopado ng mga lalaking nanloob ang pag iisip ko, kaya hindi ko namalayang nakatapos na kaming kumain. Humalik lang ako kay mommy at zen sa pisngi agad na akong umakyat aa kwarto.
Simula naman ng mawala si daddy malamig at tahimik na ang naging pagkain namin. Nasanay na lang siguro kami na walang nag sasalita habang nakain pero ng mga panahong buhay pa si daddy. It always lively, magaling kasi talaga si daddy na magpatawa atmag biro at kapag tumawa siya lahat ay nahahawa. Iba na ngayon.
Marami na ang nag iba.
Nilamon agad ako ng antok.
Nagising ako ng alanganin ng madaling araw. Pababa nasa ako ng kusina para uminom ng tubig nang marinig ko si mom na may kausap sa telepono sa sala.
"Anong gagawin ko? Mukhang hinahanap pa din nila yun." Mahinang sabi ni mom sa kausap niya. "Akala ko tumigil na sila simula ng mawala siya. Oo.. sige.. pasensya na kung tinawagan kita ng ganitong oras.. oo.. salamat.." ibinaba niya ang telepono ng mapatingin siya sakin mula sa hagdanan.
"Anak anong ginagawa mo diyan? Bakit gising ka pa." Tanong ni mommy.
"Iinom lang po sana ako ng tubig. Matutulog na din po ako pag tapos." Humakbang na ako papuntang kusina. Ramdam kong sumunod si mommy sakin.
"Anak kung maari mag iingat ka, okay? At kung maari sana hayaan mo si axel na samahan ka kapag na sa school kayo." Mahihimigan ang alinlangan sa boses ni mommy.
So axel pala ang pangal niya.
"But why mom?" Agad kong sagot. Bakit siya pa. Masyado siyang nakakasura. Nakakainis yung pangiti ngiti at patawa tawa niya sakin.
"Malalaman mo din anak, sa ngayon. Maiintindihan mo din ako sa tamang panahon." Iyon lang at tumalikod na siya papalabas ng kusina.
Naiwan naman akong nagtataka. Bakit? Ano ba talagang nang yayari. Parang unti unti ng lumiliit yung mundo ko at nalilimita na ang mga pwede kong gawin.
Kahit kulang sa tulog at medyo lutang sa mga narinig at nakita ko kagabi sinikap ko pa ding pumasok sa school. Alam kong kung nasaan man si daddy ngayon hangad niya ang makapag tapos ako ng pag aaral. Kaya sinisikap ko talagang pag igihan ang pag aaral ko.
YOU ARE READING
Broken Strings
Teen FictionSimpleng babae lang si Eurie Amphy Realonza, may masaya at kompletong pamilya.Her mother was a nurse while her father was a forgotten musician. She also have a younger sibling with special needs. Pero para sa kanya wala ng mas sasaya dahil mag kakas...
CHAPTER 3
Start from the beginning
